Advertisers

Advertisers

Iba’t ibang grupo ng Simbahan, kinondena ang laganap na pamimili ng boto sa ika-6 na Distrito ng Pangasinan

0 3

Advertisers

NANAWAGAN ang maraming lider ng Simbahan mula sa mga bayan sa ika-6 na Distrito ng Kongreso ng Pangasinan sa Commission on Elections (COMELEC) na agad kumilos laban sa umano’y “malawakan at lantad na pamimili ng boto” sa buong distrito.

Sa magkakahiwalay na liham na pirmado ng mga lider ng Simbahan mula sa Tayug, Umingan, Sta. Maria, Balungao, Rosales, at San Manuel kay COMELEC Chairman George Garcia, inihayag ng mga pastor ang kanilang “labis na pagkabahala” sa mga ulat na may ilang kandidato na umano’y namimigay ng hanggang PHP 3,000 bawat botante kapalit ng suporta sa darating na halalan.

Ayon sa mga liham, ang naturang iskema ng pamimili ng boto ay “nakakakilabot at nakakabahala.”



“Ngunit higit na nakakaalarma ay kung paano sinisira ng pamimili ng boto ang moralidad ng ating komunidad,” dagdag pa nito.

Kinuwestiyon din ng grupo ang kawalan ng kahit isang aresto o konkretong aksyon mula sa mga awtoridad kahit malawak ang ulat ng iregularidad sa halalan.

Ilan sa mga lumiham sa Comelec ay sina Pastor Renato S. Licuan, (Tayug of Christ Christian Church); Pastora Nora Salinas, (Grace Evangelical Church) Pastor Servillano Tintero, (United Church of Christ in the Philippines); Pastora Shiela Dela Cruz (Mt. Calvary Baptist Church).

Matatandaang una nang sumulat si Congresswoman Marlyn “Len” Primicias-Agabas sa COMELEC upang manawagan ng aksyon kaugnay ng umano’y “lantad at garapalan” na pamimili ng boto sa distrito kung saan tahasan niyang inakusahan ang ilang political leaders ni congressional candidate Gilbert Estrella ng pamimili ng boto.