Advertisers
Libu-libong mga tagasuportang Las Piñeros ang nagtipon sa The Tent Complex upang ipakita ang kanilang pagkakaisa para sa Team Tropang Villar, sa pangunguna ni Senadora Cynthia Villar na muling naghahangad na maging kinatawan ng lone district ng Las Piñas sa Kongreso.
Kasama niya si Carlo Aguilar na tumakabo bilang Alkalde ng lungsod, katuwang ang kanilang solidong grupo ng 12 kandidato sa pagkakonsehal.
Ang miting de avance ay dinaluhan din ni Senatorial candidate Congresswoman Camille Villar, Senador Mark Villar, at dating Senate President Manny Villar, na buong pusong nagpahayag ng suporta at pagtitiwala sa buong slate ng Nacionalista Party ng Las Piñas. (CESAR MORALES)