Advertisers
NAGSAGAWA ang ATEACHER partylist ng isang makulay at masiglang motorcade sa lungsod ng Maynila upang ihatid mismo ang mga programang ikabubuti ng sambayanang Pilipino.
Buong suporta rin ang inihayag ng halos lahat ng mga barangay chairman at local opisyal para sa nominadong si Virginia Rodriguez sa darating na May 12 National and Local elections.
Ang Ateacher na nangunguna ngayon sa mga poll surveys ay umiikot sa iba’t ibang siyudad sa bansa upang personal na ihatid sa mamamayan Ang mga programang tunay na nakakatulong sa bawat PILIPINO na hindi humihingi ng kapalit.
Buong pusong nagpapasalamat naman si Ms. Rodriguez sa ipinakitang pagsuporta sa ATEACHER partylist ng mga barangay chairman at ng mga MANILENO sa pamamagitan ng pag-BOTO nito bilang kinatawan ng mga maliliit na mamamayan tulad ng mga guro, estudyante, magsasaka, at ordinaryong tao sa election na darating.
Makikita na daang-daan ang nakilahok na naka-motorsiklo sa isinagawang masayang motorcade ng ATEACHER partylist sa buong kamaynilaan, at kung saan sinalubong din sila Rodriguez ng mga confetti upang ipahiwatig ang kanilang suporta sa nasabing partylist.
Tiniyak naman ni Ms. Rodriguez na makakaabot sa KANILA ang mga ipinangako nito ay ang Walang Pilipinong magugutom at para masulusyunan ang lumalalang kagutuman sa Bansa. At mapawala ang cancer sa ating Bansa at upang umunlad ang kanilang kabuhayan at ang pagsulong sa mababang halaga ng mga bilihin, at LIBRENG pagkain para sa lahat ng mga pampublikong paaralan at mga feeding program sa lahat ng mga Barangay para sa mga senior citizen at libreng Vitamins na anti-cancer para maprotektahan ang Bansa laban sa cancer at mga libreng medical check-up at medisina, at pagpapatayo ng bagong paaralan para sa mga dumadaming bilang ng mga estudyante at mga trabahong pangkabuhayan para sa sambayanang Pilipino.