Advertisers

Advertisers

Pasig LGU wala pa rin paliwanag sa umano’y overpriced na bagong Pasig City Hall

0 7

Advertisers

HINIHINTAY pa rin ang paliwanag ni Pasig City Mayor Vico Sotto patungkol sa mga alegasyon na overpriced ang itinatayong P9.6 billion na bagong Pasig City hall.

Ayon sa katunggali ni Sotto na si Mayoralty candidate Sarah Discaya, kayang maipatayo ang nasabing pasilidad sa halagang P2.7 billion.

Nanghihinayang si Discaya dahil ang pondong P9.6 billion aniya ay maaari na sanang magamit sa pagpapatayo ng bagong ospital, pagsasaayos ng mga paaralan, pondohan ang housing projects, at makalikha ng oportunidad sa trabaho para sa mga taga Pasig.



“This approach exemplifies true good governance and demonstrates a commitment to combating corruption,” ayon kay Discaya.

Una nang tumanggi si Sotto na sagutin ang isyu at sa halip ay tinawag ito ng alkalde na walang kabuluhan.

Sa pamamagitan ng public information office ng Pasig City LGU ay binanggit lamang na nasunod ang lahat ng proseso sa ipinapagawang bagong City Hall Building.

Sa kaniyang panukala, sinabi ni Discaya na sa halip na gugulin lahat sa City Hall building ang P9.6 billion ay maaring pondohan lamang ito ng P2.7 billion at ang ibang halaga ay pwedeng ipagpagawa ng 11-storey hospital, housing projects, mga paaralan, tulay, at mahahalagang infrastructure projects.

“True good governance is more than just talk; it’s about taking real action. It’s not just for social media likes, but showing genuine care for people,” said Discaya, who runs a top-notch construction company.