Advertisers

Advertisers

Sen. Imee “Hindi Marcos” — Netizens “Kiss of death ang pakikitungo niya sa mga Duterte” – Gadon

0 8

Advertisers

Muling nabuhay sa social media ang matagal nang kontrobersiya ukol sa tunay na pagkatao ni Senadora Imee Marcos matapos nitong sabihin sa isang panayam na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay “hindi Marcos, kundi isang Romualdez at Araneta.” Sa halip na maputok ang isyu laban sa Pangulo, netizens—kabilang na ang ilang tapat na Marcos loyalist—ang bumaling kay Imee, at muling inungkat ang lumang tsismis na siya mismo ay “hindi tunay na Marcos,” kundi diumano’y anak ng yumaong Manila Mayor Arsenio Lacson.

Nag-viral sa social media ang mga meme, komentaryo, at sipi mula sa isang lumang panayam sa programang Up Close with Mareng Winnie, kung saan kinuwestiyon ni ekonomistang si Solita “Winnie” Monsod si dating Unang Ginang Imelda Marcos: “Hindi kamukha ni Imee ang mga kapatid niya. Kamukha siya ni Arsenio Lacson.” Sa nasabing eksena, kapansin-pansing tila nabigla si Imelda at napatawa na lamang.

Ayon sa mga matagal nang bulung-bulungan sa political high society, may maikling ugnayan umano si Imelda at Mayor Lacson noong huling bahagi ng 1950s, bago pa man maging pangulo si Ferdinand Marcos Sr. Itinuturo rin ng ilang tagasubaybay ang malinaw na pagkakaiba ng itsura ni Imee sa mga kapatid niyang sina Bongbong at Irene bilang posibleng patunay sa tsismis.



Maging si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sevretary Larry Gadon ay naghayag din ng kanyang pagkadismaya sa mga ipinahahayag ni Senator Imee Marcos.

“Hindi ako sang ayon sa sinasabi ni Sen. Imee na nakikipagsabwatan si PBBM sa mga tao na umapi sa kanilang pamilya .
Bagkus ay nakakapagtaka na pumapanig sya sa Duterte sa kabila ng sinasabi ni VP Sara na ipapahukay nya ang labi ni FM Sr., ipapapatay nya si PBBM , SMR (Speaker Martin Romualdez) at FL LAM (First Lady Liza Araneta-Marcos), at sinisiraan at pinaparatangan na bangag at adik si PBBM,” paliwanag ni Gadon.

“Naniniwala ako na Kiss of Death and endorsement ni Sara dahil wala namang boto ang mga Duterte lalo pa ngayon na sirang sira ang imahe nila sa publiko,” dagdag pa niya.

Hindi lamang ang mga Marcos loyalist ang nadismaya. Umani rin ng batikos si Imee mula sa mga maka-Duterte, na tinawag siyang “mangga”—manggagamit—na pilit sumasakay sa mga isyu upang makakuha ng simpatiya at boto. Ayon sa kanila, malinaw na hakbang ito ni Imee para paghiwalayin ang pangalan nila ng kanyang kapatid habang pilit na kinakalabit ang damdamin ng mga loyalista ng yumaong Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabi-kabila rin ang banat ng mga batikang vloggers at social media commentators laban kay Imee, na tinawag ang kanyang mga pahayag bilang “epal,” “desperado,” at “pampagulo sa sariling bakuran.” May ilan pang naniniwala na sinusubukan niyang hatiin ang Solid North sa pamamagitan ng pagpapalutang ng mga isyung personal at sensitibo.



Ayon sa isang netizen, “Ang bato na ibinato mo, bumalik sa ‘yo. Kung hindi siya Marcos, baka ikaw rin hindi.” Isa pa’y nagkomento, “Sa huli, baka si Imee pa ang hindi Marcos. Lacson pala.”

Para sa marami, ang insidenteng ito ay sumasalamin sa mas malalim na hidwaan sa loob ng political dynasty ng mga Marcos—isang bangayan na, kung magpapatuloy, ay maaaring magdulot ng pagguho sa kanilang matagal nang hawak na impluwensya sa hilagang bahagi ng bansa.