Advertisers

Advertisers

‘Supremo’, humataw sa final SWS senatorial survey

0 7

Advertisers

Namayagpag si Supremo Sen. Lito Lapid sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa lang noong Mayo 2-6 o ilang araw bago ang halalan sa Lunes.

Sa survey, pumuwesto si Lapid sa Rank 4-5 at mayroon siyang voter preference na 34%.

Pinangunahan ang survey ng kasamahan ni Lapid sa ‘Alyansa’ na si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo nang makapagtala ito ng 45% preference rating habang anim pa sa koalisyon ng administrasyon ang pasok din sa Magic 12 at ito’y sina dating Senate President Tito Sotto, Sen. Ping Lacson, Makati City Mayor Abby Binay, Deputy Speaker Camille Villar, Sen. Pia Cayetano, at Sen. Bong Revilla.



Hindi naman nalalayo sa winning circle si dating Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos.

Sa kanyang maikling mensahe, nagpasalamat ang Supremo sa mga mamamayan na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.

“Natutuwa po ako at nagpapasalamat unang-una sa ating mahal na Panginoon at sa ating mga kababayan sa buong bansa na nagbigay sa akin ng kumpiyansa para magsilbi sa inyo. Sa patuloy po ninyong suporta at pagmamahal sa akin, ‘yan po ay susuklian ko rin ng pagmamahal, malinis at tapat na pagseserbisyo sa kanila, lalong-lalo na po ang mga mahihirap na kababayan natin,” aniya.

Ang SWS senatorial survey ay sinalihan ng 1,800 rehistradong botante sa buong bansa.