Advertisers
Tila nag kulay berde ang mga daanan sa Silang. Cavite kaninang hapon sa huling araw ng kampanya para sa eleksyon sa Lunes, Mayo 12.
Naglabasan ang mga residente ng Silang upang sumama sa Grand Rally ng sinisigaw na Nanay ng Silang at tumatakbong alkalde na si Omil Poblete kung saan ang mga ito ay naka-suot ng berde na kulay na dinadala ng nagbabalik na dating Alkalde ng Silang.
“Sure win, Mayor!”, “panalo ka na!”, ilan lang ito sa madidinig sa mga suporter na nadadaanan ni Poblete.
Malalaman na sa Lunes ang puso ng Silanguen¨o kung saan marami ang naniniwala na makakamit ng malaking kalamangan si Poblete na may numerong #4 sa balota kontra sa mga katungali nito.
Matatandaan na si Poblete ay hinikayat ng iba’t-ibang grupo kabilang ang LGBTQ+ na muling tumakbo bilang alkalde ng Silang kung saan nais ng mga ito na manumbalik ang sigla at mas gumanda ang pamumuhay ng Silang.