Advertisers

Advertisers

Alden ‘mission accomplished’ ang mayakap ang idolong si Tom Cruise

0 2

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PARANG naging AA fanboy si Alden Richards nang makita ang idolong si Tom Cruise.

At para na ring matagal nang magkakilala ang dalawa dahil nag-shake hands at nagyakapan nang magkita sa red carpet premiere ng Mission Impossible : The Final Reckoning noong Martes sa South Korea.



Si Alden ang ipinadala ng Paramount Pictures para sa meet and greet para sa latest edition ng Mission Impossible kung saan unang sumikat si Tom.

Sa pinost ni Alden sa kanyang IG account ng picture nila ni Tom, ang caption niya rito ay,“Ethan meets Ethan. I have no words!”

Ang Ethan kasi ay pangalan ni Alden sa Hello, Love, Goodbye at Hello, Love Again, na name rin ni Tom sa Mission Impossible.

Kasalukuyan ngang nasa South Korea para sa isang promotional tour sa ikawalong installment ng MI ang grupo nina Tom, na ayon sa online reports, nagpaliwanag ito na ang pelikula ay kumakatawan sa isang kumbinasyon ng lahat ng kanyang natutunan at nagawa sa kabuuan ng malawak niyang career.

Mission accomplished naman para sa karera ni Alden ang makadaupang palad ang isa sa pinakasikat na Hollywood actor.



***

ISANG malaking kontrobersya na naman ang kinahaharap ng grupong BINI na kinasasangkutan ng mga miyembrong sina Colet, Stacey at Jhoanna.

Matatandaang nitong Miyerkules, May 7, isang sensitibong video ang kumalat sa X (dating Twitter) kung saan mapapanood ang dalawang lalaking kasama nila na sina Ethan David at Shawn Castro na tila may hindi kaaya- ayang ginagawa habang naririnig ang tawanan ng tatlong babae.

Nabanggit pa nga ng BINI members ang umano’y sekswal na pang-aabuso ni Ethan sa babaeng nagngangalang “Ashley” na isang menor de edad.

Agad ngang nag-viral ang naturang video dahilan para maraming tagasuporta ang mag-call out sa maling reaksyon ng mga miyembro lalo na’t women empowerment pa ang isa sa kanilang adbokasiya.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang netizens maging ang ibang faney, kaya naman naglabas na ng pahayag ang BINI upang i-address ang kumakalat na isyu laban sa kanila.

“We know that the past couple of days have been triggering and disappointing for all of you. Sincerely, we understand where all of those feelings are coming from.

“The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process,” bahagi ng official statement ng BINI.

Aminado rin sila na nagkamali ang tatlong miyembro ng kanilang grupo at walang excuse sa ginawa ng mga ito.

“We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability. Nagkamali kami.

We deeply regret our mistake and sincerely apologize to our Blooms, friends, families, and the general public,” pagpapatuloy ng BINI.

Humingi rin ng second chance sa madlang pipol ang sikat na grupo para mas mapabuti pa ang mga sarili.

“We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves.

“Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa,” sey pa ng BINI.

Sa ilalim ng pahayag ay makikita rin ang pangalan ng lima pang miyembro ng nation’s girl group na sina Aiah, Maloi, Gwen, Mikha, at Sheena.