Advertisers

Advertisers

Benhur Abalos malapit ang puso sa showbiz

0 4

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AMINADO ang dating Mandaluyong City mayor at ngayo’y tumatakbong Senador for 2025 elections na si Benhur Abalos na na-enjoy niya ang proseso ng pag-arte nang subukan niya ang showbiz.

Katunayan, nang alukin daw siya to do a cameo part sa “Black Rider,” hindi niya akalain na he had to do some stunts din.



“Noong una akala ko, cameo lang. Gusto ko iyong role kasi nandoon kami para sugpuin iyong criminal elements na in line rin sa work ko noon sa DILG,” lahad niya. “Pero later nalaman ko na hindi lang siya cameo kasi I had to do some stunts at pati na iyong paghawak ng baril na na-enjoy ko naman,” dugtong niya.

Bukod sa cameo roles niya sa GMA action drama series na “Black Rider,” napanood din siya sa “Lilet Matias: Attorney At Law”.

Nasa cast din siya ng seryeng “Mga Batang Riles.”

Ayon sa Senatoriable, hindi raw naman siya nahirapan sa pag-arte dahil noong nag-aaral pa siya ay sumasali na siya sa school plays.

Masasabing minamani na rin niya ang kanyang role dahil ang natotokang papel sa kanya ay totoong persona niya o close sa personalidad niya as public servant like DILG secretary na dati niyang posisyon.



Saludo rin daw siya sa mga artista dahil doon niya na-realize na hindi ganoon kadali ang kanilang trabaho lalo na iyong mga stuntmen, bit players at crew na naghihintay sa set.

“Minsan, magsisimula ka nang maaga, matatapos ka, madaling-araw na. ‘Buti na lang may Eddie Garcia Law. Malaking bagay ang Eddie Garcia Law,” aniya.

Sa ngayon, nasasanay na rin naman daw siya dahil nga mga bigating artista ang kanyang mga nakakatrabaho.

Nang tanungin naman kung kakarerin na niya ang pag-aartista sakaling manalo siya, natawa na lang ang pulitiko.

“Tingnan natin kung papaano, dahil unang-una, kailangan ko muna talagang manalo, eh,” sambit niya.

Kung sakaling mahahalal, nasa plataporma raw niya ang solusyunan ang problema ng pamimirata sa movie industry dahil agrabyado raw ang mga producer na gumagastos nang malaki.

“It should be addressed. If you want the film industry to progress, importante ‘yan. You give incentives and at the same time, pagtatapos niya.

Si Abalos ay tinatakbo bilang Senador sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.