Advertisers

Advertisers

Daniel environmentalist na; Beauty at Norman hanggang sa dulo ng mundo ang pagsasama

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

8th wedding anniversary nina Beauty Gonzalez at ng mister nitong si Norman Crisologo.

Nagbahagi ng nakakakilig na mensahe ang aktres kung saan nilakipan niya ng throwback photos nila ng mister ng kanilang bonding moments at saka pinost sa kanyang IG account.



Nagpahayag siya ng matamis na mensahe para sa asawa niyang si Norman.

Ikinasal ang couple nung 2017 na ginanap sa Tagaytay.

Isang simpleng mensahe pero tagos sa puso ang sinulat na caption ng aktres: “I did, I do, I will. Hanggang sa dulo ng mundo, ikaw pa rin at ako. Happy wedding anniversary!”

Umani ng papuri at congratulatory messages ang nasabing post mula sa fans at followers ni Beauty.

Kilala ang mag-asawa sa kanilang lowkey ngunit matatag na relasyon, sa kabila ng pagiging public figure ni Beauty at pagiging respetadong art curator ni Norman.



Sa loob ng walong taon na pagsasama, madalas na makikita ang kanilang bonding moments sa social media, lalo na ang kanilang mga biyahe kasama ang anak nilang si Olivia.

***

JESSY MAY MENSAHE KAY LUIS SA NALALAPIT NA ELEKSIYON

SA Monday, May 12 na ang 2025 eleksyon.

First time na sasabak sa mundo ng pulitika si Luis Manzano na tatakbong Vice Governor ng Batangas kung saan siya ang running mate ng ina na si Ate Vi (Vilma Santos-Recto) bilang Gobernador.

Kaya naman ang misis niyang si Jessy Mendiola ay abot ang pag-aalala at dasal para sa TV host.

May mensahe ang aktres para kay Luis sa gitna ng papalapit na eleksyon.

Very supportive si Jessy at number one cheerleader ni Luis.

Aniya, “Ngayon pa lang, I’m so proud of you. Ibigay man sayo o hindi na makamit ang position ng pagiging Vice Governor, sa pagkakataon na ito isa lang ang masasabi ko — napatunayan ko kung gaano kalaki ang puso mo at kung gaano ka kasipag para lang ipamahagi sa iba ang magandang layuning ng #ViLucky2025. Ngayon pa lang, sigurado ako na hindi mo bibiguin ang mga umaasa sayo.”

Naririnig din ang kanyang boses sa campaign rally ng asawa kahit sa kainitan ng araw.

“Sa lahat po ng mga minamahal naming mga Batangueño. Maraming salamat po sa pagmamahal ninyo kay Luis. Nakakataba po ng puso. Thank you, Lord — for giving Luis the strength to go through this. Lahat ng bayan at lungsod ng buong lalawigan ng Batangas ay sinuyod mo at kinamusta. We love you, @luckymanzano.”

***

NAG-celebrate kamakailan si Daniel Padilla ng kanyang 30th birthday.

Kakaiba ang ginawang selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

Makabuluhan ang pagdiriwang niya ng 30th birthday kasama ang ilan niyang loyal fans.

Nakiisa ang “Incognito” star sa isinagawang tree planting na in-organize ng isa sa mga produktong ineendorso niya.

Makikita ang mga litrato ni Daniel kasama ang kanyang mga supporters na nagtanim ng mga puno sa Batangas.

Ang laki na nga ng pinagbago ni Deejay.

Kung noon bawat bertdey niya pa happy-happy lang, ngayon nagiging environmentalist na siya.