Advertisers
Sa kabila ng 10-DAY COMELEC BAN na bawal nang gumamit ng PUBLIC FUNDS ay namahagi pa rin ng CASH ALLOWANCES para sa STUDENTS SCHOLARS ng PASIG CITY GOVERNMENT na ito ngayon ang kasong isinampa ng isang FORMER CITY HALL EMPLOYEE laban kay PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO.
Sa ginanap na press conference nitong Sabado (May 10) sa isang restoran sa PASIG CITY ay inihayag ng dating CITY HALL EMPLOYEE at kasapi ng CITIZENS CRIME WATCH na si VICTOR BARRAL.., ay isinagawa ang pamamahagi ng SCHOLAR’S ALLOWANCES nitong May 7 na aniya ay sakop sa 10-DAY COMELEC BAN.., na ilan sa mga ebidensiya ay ang mga screen shots sa Facebook ng mga magulang at mga estudyante na nagpapasalamat kay MAYOR VICO sa pagrelease ng allowances na may mga foto pa na hawak ang pera ng mga benipesaryo.
Isang reporter ang nagpakita ng screen grab sa naging paghiling ni MAYOR VICO sa COMELEC na ma-exempt ang gagawin nilang pamamahagi ng CASH ALLOWANCES na ginarantiyahan o sinang-ayunan naman at may lagda ni COMELEC CHAIRMAN GEORGE ERWIN GARCIA.
Ipinunto naman ni CITIZENS CRIME WATCH NATIONAL CHAIRMAN ATTY. FERDINAND TOPACIO na tumatayong legal counsel ng complainant na si BARRAL.., na ang EXEMPTIONS sa 10-DAY COMELEC BAN ay ang BURIAL ASSISTANCE at MEDICAL ASSISTANCE maliban dito ay wala nang isinasaad na iba pang EXEMPTIONS.
“I’m talking about the law, hindi ko sinasabing si Mayor Vico ay guilty na.., he is entitled to pressume innocence,” pahayag ni ATTY. TOPACIO na aniya ay karapatan ni MAYOR VICO ang idepensa ang sarili niya sa lahat ng.mga akusasyon.
“Hindi komo exemptions e valid na ang kanilang exemptions.. kasi kung eexempt mo lahat e paano pa ang batas,” pahayag ni ATTY. TOPACIO na aniya ang naturang SCHOLAR’S ALLOWANCES ay noon pang January dapat naipamigay at bakit bininbin na itinaon pa sa ilang araw na lamang ay election day na.., at aniya ay isang porma ito ng vote-buying dahil direkta o indirect na iniimpluwensiyahan ang mga voter dahil 5-days na lang ay eleksiyon na.
“Para ke ano pa ang nakasaad sa batas kung hindi rin lang naman igagalang o susundin,” pagpupunto ni ATTY. TOPACIO hinggil sa 10-DAY COMELEC BAN.
Sa naturang lungsod ay magkatunggali sa pagiging PASIG CITY MAYOR sina INCUMBENT MAYOR VICO SOTTO at si ATE SARA DISCAYA na isang dating mahirap ang pamumuhay sa PASIG at sa pamamagitan nilang mag-asawa na si KUYA CURLEE DISCAYA na isa ring laking iskuwater ng PASIG ay napayabong ang negosyo nila at ngayo’y CATEGORY QUADRUPLE “A” ang kanilang ST. GERRARD CONSTRUCTION GENERAL CONTRACTOR AND DEVELOPMENT CORPORATION na ang kanilang kinokontrata ay mga WORTH BILYON PESOS PROJECT sa ating bansa.
Nitong gabi ng Sabado (May 10) sa idinaos na MITING DE ABANSE.., ang magkabilang kampo ay halos magkalapit lang ang pinagdausang lugar na ang MAYOR VICO CAMP ay halos simple lamang ang naging programa na ang mga nagsidalo para saksihan ang pananalita ng mga katiket ni INCUMBENT MAYOR ay halos maliit na grupo lamang kumpara sa MITING DE ABANSE ng Team KAYA THIS ay dagsa ang maraming tagasuporta.., at maririnig sa mga tagasuporta ang mga kataga ng kanilang inaasam na “ATE SARA ANG PAG-ASA SA GAWA, MAY MALASAKIT SA MAMAMAYAN PARA SA PROGRESO NG PASIG AT HINDI ANG NGAWA LAMANG.”
Mga ka-ARYA.., bukas na po ang May 12 ELECTIONS DAY at nasa mga botante na ang pagpapasiya sa iba’t ibang panig ng ating bansa at ang sitwasyon ng PASIG CITY ay hahatulan sa balota ng mga bitante kung sino ang kanilang pipiliin.., ang anak ng mga sikat na artistang CONEY REYES at VIC SOTTO na si INCUMBENT MAYOR VICO SOTTO o ang laking iskuwater na mag-asawang taal na PASIGUENO na napalago ang kanilang negosyo bilang WORTH BILYON PESOS ang kuwalipikasyon sa kanilang pangongontrata.., na plataporma ay ita-transform bilang MODERN CITY ang PASIG sa magiging LIDERATO ni ATE SARA DISCAYA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.