Advertisers
Ni Archie Liao
INANUNSYO na ng Quezon City International Film Festival ang anim na kalahok na pasok sa 2025 QCShorts program.
Ang anim na kalahok ay sinala mula sa 285 submissions na natanggap ng festival.
“The voices behind this year’s QCShorts program are composed mostly of new filmmaking talent—as over a half the roster of directors and producers are still undergraduate students at various universities,” ani Jason Tan Liwag, head of short film programming at QCinema.
“It’s exciting because there’s clearly a new generation of filmmakers, most of whom were born in the 2000s and have only had a limited number of shorts under their belt, who are seeking support. We’re happy to help and introduce them to the Filipino and international community,” dugtong niya.
Ang napiling filmmakers at ang kanilang mga proyekto ay ang mga sumusunod: Norvin de los Santos (“Hoy, Hoy, Ingat!”), Lauviah Caliboso (“Ours Was A Timeless Night Burning”), Racquel “Lysa” Catolico at Jazmine Gin Pateña (“RUNO!”), Dale (“Si Tina: Ang Babaye Nga Nag Daba-Daba”), Gabriela Serrano at Mariana Serrano (“Surface Tension”), at Gab Rosique (“Yelo”).
“Rather than having similar thematic preoccupations or formal patterns, the current crop of filmmakers are creating self-contained worlds where their characters are trapped between the world they were promised and the world as it is,” sey ni Liwag. “More fascinatingly, all short films in the lineup contend with this generation’s evolving and disintegrating notions of home—the ways we are displaced from it, return to it, and transform along with it,” pahabol niya.
Mula sa panulat at direksyon ni Norvin de los Santos at iprinudyus ni Alex Poblete, ang social dramedy na “Hoy, Hoy, Ingat! (Hey, Hey, Take Care!)” ay tungkol sa kuwento ng pakikipagsapalaran ng isang bata at ng kanyang kapatid na may taning na ang buhay.
Isa namang queer children’s film ang obra ni Lauviah Caliboso.
Ang “RUNO!,” naman nina Racquel “Lysa” Catolico at Jazmine Gin Pateña ang nag-iisang animated project sa lineup tungkol sa isang asong gala na layuning mahanap ang kanyang amo.
“Si Tina: Ang Babaye Nga Nag Daba-Daba (Tina: The Burning Woman)”ni Dale ay isang sci-film na nanalo na ng awards sa Sinenegrense, BINISAYA, at NABIFILMEX.
Ang “Surface Tension” nina Gabriela Serrano at Mariana Serrano ay pumapaksa sa kuwento ng isang young swimmer na nanganib na malunod sa isang araw ng local town wedding.
Ang “Yelo” ni Gab Rosique ay isang bomba thriller tungkol sa dalawang babaeng naging kumplikado ang buhay sa pagdating ng isang estranghero na nangako ng magandang kinabukasan sa kanila sa Amerika.
Ang anim na finalists ay tatanggap ng P500,000 production grant kung saan ang kanilang mga obra ay ipalalabas sa QCinema ngayong taon.
Bahagi ng selection committee sina QCinema festival director Ed Lejano; producer at QCinema programmer Kints Kintana; film critic, lecturer, at programmer Jason Tan Liwag; actor, producer, at moving image artist John Lloyd Cruz; writer, director, at editor Maria Estela Paiso; at writer, director, at production designer Sam Manacsa.
The QCinema 2025 ay gaganapin mula Nobyembre 14-23, 2025.