Advertisers
PAMUMUNUAN ni Annie Ramirez, winner ng women’s -57kg gold medal sa 2022 Hangzhou Asian Games, ang kampanya ng Pilipinas sa 9th Jiu-jitsu Asian Championship na nakatakdang magsimula sa Mayo 23 to 27 sa Amman, Jordan.
Sasabak rin sina Kimberly Anne Custodio, Jollirine Co, Ma. Daniella Palanca at Kaila Jenna kabilang ang 34 iba pang Filipinos.
Custodio ay nagwagi ng gold medal (adult female -45kg), Co nakupo ang silver medal (adult female -48kg) habang si Palanca (adult female -45kg) at Ramirez (adult female -57kg) nakuha ang bronze medals sa 2024 JJIF World Championship sa Heraklion, Greece.
Samantala, si Ramirez, nasungkit ang gold medal sa 52kg sa 2023 World Combat Games.
“We’re just hoping for the best. Our athletes are competitive. They will give their best to bring honor to the country,” Wika ni nine-time Southeast Asian (SEA) Games judo gold medalist at ngayon ay national jiu-jitsu coach John Baylon Biyernes.
Ramirez, Custodio, Palanca at Co nagdeliver ng medalya sa huling edition ng Asian Championships na ginanap sa Aichi, Japan.
“The goal is to win the gold medal. I hope to achieve it. I know that I trained hard and I’m ready,” Sambit ni Ramirez sa interview ng Radyo Pilipinas 2 Sports Huwebes.