Advertisers
LALONG pinalakas ang pagbabalik uli ni Yorme Isko Moreno Domagoso sa Manila City hall sa eleksiyon ngayong Lunes, Mayo 12, at may bonus pa!
Opo, bonus ang endorsement ng Iglesia ni Cristo (INC) kay Yorme Isko, kasi, sa mabilis na kaisahan ay maiuupo rin si Chi Atienza bilang vice mayor.
Malaking bentahe ito, lalo na at 26 katiket na kandidatong konsehal ng Yorme’s Choice ay pagkakaisahan ding iboboto ng INC na gaya ng ating alam, mapaninindigan ang solidong boto tuwing eleksiyon
Kung ang ibang pangkat pananampalataya ay hirap na hirap maitaguyod ang panawagang “Vote Straight” o Block Voting, ang INC ay kinikilala ng malalaking politiko na malaki ang naitutulong sa kanilang panalo.
Kaya labis-labis ang pasasalamat ni comebacking Yorme Isko sa mga kapatid sa INC, at ipinangako niya, sa pag-upo muling alkalde, “sa ating mga minamahal na lolo at lola, sana po sa tulong ninyong lahat ay muli nating maibalik ang katatagan ng ating minamahal na lungsod.”
Eto pa ang nagdaragdag ng kumpiyansa sa Yorme”s Choice, sa latest OCTA Research survey (April 20 to 23) umibabaw si Isko ng 63 percent voter preference, na milya ang layo sa 18 percent ni Dr. Mayora Honey Lacuna, 16 percent kay Rep. Sam Versoza.
At sa anim (6) na Manila district, top choice si Yorme Isko at ang kanyang mga kandidato.
***
Isa sa makikinabang sa pagbabalik ni Yorme ay ang mga nilulumot na job order o contractual employees sa cityhall, kasi sila ang isa sa uunahing mabigyan ng security of tenure, at ang mga opisyal na ipinuwesto ni Dra Honey na nagpapahirap sa Manilenyo, magbago na kayo, baka mapadalhan kayo ng “walking papers.”
Uso na ang gapangan ngayon at kahit bawal ang pamimigay ng ayudang AKAP, TUPAD, AICS at kung ano-ano pang sobreng pampatalino, wag padala sa mga pang-akit.
Yes, tanggapin ang perang iyon, kasi pera natin iyon — mula iyon sa ating mga buwis, pero ang ating iboto ay yung tunay na magsisilbi sa atin, at hindi yung magpapalawig lang ng kapangyarihan, magkakamal ng salapi at poprotektahan ang kanilang personal interes at negosyo.
At paalala sa lahat ng barangay chair sa anim na distrito — na kaalyado ng tropang nagpadugyot sa Maynila at lantaran sa pamimiili ng mga boto.
Marami ang nakabantay sa inyo, hindi kayo makakaligtas kasi, alam ng mga supporter nina Yorme Isko at VM Chi ay nakamonitor na sa inyo, at lahat ng ebidensiya sa inyong paglabag sa kabanalan ng eleksiyon ay ihaharap sa mga kasong isasampa laban sa inyo.
Yung ipinangangako ng partidong walang achievement sa Maynila ay hindi nila kayang matupad dahil alam nila, nandiyan lamang kayo dahil sa pera, sa impluwensiya at hindi dahil sa katapatan.
Mas unahin nyo, mga chairman, mga kagawad ang integridad, ang katapatan sa posisyon at tungkulin, hindi sa rahuyo ng pera!
Muli, ang pasasalamat ng Yorme’s Choice sa lahat ng mga samahan, tropa, grupo at sa INC at iba pangkating panrelihiyon na nag-endorso kina Yorme at Ate Chi, kasama po kayo sa tagumpay ng taumbayan para sa pagbabalik ng matinong gobyerno ng siyudad ng Maynila.
Sana, matapos ng matiwasay at maayos ang eleksyon at sa muling pag-upo ni Yorme Isko kasama si VM Chi, alam natin, mag-aabot ng kamay ng pakikipagkaisa ang Yorme’s Choice, at sana makasama kayo sa pagbabagong-anyo ng minamahal nating Maynila.
Parating na ang Bagong Maynila sa Yorme’s Choice!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.