Advertisers

Advertisers

ANGELICA AT CHIE NAPAKOMENTO SA 2-PIECE OUTFiT NI ALYSSA

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

SANAY ang netizens maging celebrities sa mga volleybelle players.

Si Alyssa Valdez ay isa sa pinakamahusay na volleyball player ng bansa.



Nàkita ang kanyang husay sa paglalaro ng volleyball nung panahon ng UAAP kung saan naitayo niya ang bandila ng

Ateneo nung lumipat siya sa univerity galing sa University of Sto. Tomas. Siya ang captain ball ng Creamline Cool Smashers na sampung beses na hawak ang korona dahil sa sunud-sunod nilang panalo ng ten-in-a-row.

Until now ay active pa rin si Alyssa sa kanyang sport.

Sa isang TikTok post ay nabago ang paningin ng mga netizren at celebrities dahil hindi naka-jersey shorts ang atleta kundi naka-two-piece.

Napa-“wow” ang netizens sa bagong looks ni Valdez.



Ang mga celebrities naman ay kanya-kanyang komento sa comment sections.

Chie Filomeno: “HINDI AKO READY DOON AH! PHENOM!!’

“@chiefilomeno kasing sexy mo siya”

Mimiyuuh: “ay gravee syaa!! Ang sarappppp!!!”

Angelica Panganiban: “Step by the step lang talaga. Basta makinig ka samin”

Sey naman ng isang commenter, “Required ang abs sa Bali”

“Grabe ka Alyssa hindi lang sa sports jersey ka palaban, huh, pati sa two-piece kering-keri.. Sana all”

***

ANDI 6th PLACE SA QUEEN OF THE POINT WOMEN’S LONGBOARDING

NASUNGKIT ni Andi Eigenmann, ang 6th place sa sinalihang surfing competition sa Siargao.

Siya ang nakakuha sa ika-6 na pwesto sa Queen of the Point women’s longboarding competition sa Cloud 9, Siargao.

Ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa Instagram at ipinagmalaki ang pakikipagkumpetensya kasama ang mga inspiradong kababaihan.

Nagpasalamat siya sa kanyang partner na si Philmar Alipayo at anak na si Lilo sa walang sawang suporta sa kanya.

Nagbigay din siya ng paalala sa mga baguhan sa surfing tungkol sa respeto sa lokal na kultura sa tubig.

Ipinamalas ni Andi ang kanyang galing sa surfing matapos makapasok sa finals ng “Queen of the Point” competition na ginanap sa Cloud 9, Siargao nitong weekend. Sa kanyang post, proud na ibinahagi ni Andi ang mga litrato habang sinasakyan niya ang alon sa longboarding event na esklusibo para sa kababaihan.

“Stoooked! Made my first ever finals at Queen of the Point — Cloud 9! Placed 6th! Yiiw! Grateful beyond words to share the lineup with such powerful, inspiring women both from Siargao and from other parts of the world.”

Bukod sa kompetisyon, masaya ring inalala ni Andi ang after-party kung saan nagsama-sama ang mga surfers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Another special thanks to [@chepoxz] for lending his surfer hat to me and Lilo for this weekend,” saad niya.

Naging driver, surf coach, photographer, tagabitbit at cheerleader rin daw si Philmar sa buong event. Higit sa surfing, may mas malalim na mensahe rin si Andi para sa mga baguhan sa surfing community.

“Respect is earned. Especially in the water. You don’t just demand respect from locals when you don’t even respect them at all,” aniya.

Ayon sa netizens, tila may pinatutungkulan si Andi.

Ramdam daw kasi ng mga ito sa kanyang mensahe ang matinding malasakit sa komunidad na kanyang minahal na sa Siargao.

***

WILLIE ‘BATAS PARA SA MAHIHIRAP ANG UNANG ISUSULONG PAG NAUPO SA SENADO

GUEST ng Asia’s King of Talk Boy Abunda si Willie Revillame sa kanyang programa na Fast Talk With Boy Abunda kamakailan.

Tinanong ng mahusay na TV host si Kuya Wil hinggil sa kanyang plano kapag siya ay palaring makapasok sa 12 slot ng senatorial candidate ngayong eleksyon.

Last minute nang maisipan ni Kuya Wil na pumalaot sa pulitika.

Siya ang huling nag-file ng candidacy na ikinagulat ng netizens.

Independent senatorial candidate ang TV host ng Wil To Win.

Tanong ni Kuya Boy, kung ano ang plataporma at plano niya kung sakali na palaring manalo bilang senador?

Ani Kuya Wil, noon pa man daw ay inaawitan na siya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato ngunit noong mga panahong iyon ay aminado siyang hindi pa handa.

Ngayon ay desidido na raw siyang tumakbo matapos makita ang hindi pagkakasundo sa Kongreso at ang problemang kinakaharap ng Senado.

Wika pa niya, “Ang napapanood ng mahihirap na tao ay puro away. Parang sabi ko it’s about time na gumawa naman ako ng paraan para sa mga mahihirap kong kababayan.”

Patuloy pa ni Kuya Wil: “Alam mo para sa akin, batas para sa mahirap. Dapat may batas tayong tumitingin sa ating mga kapos-palad na kababayan. Sino ba mga bumoboto? Sino mga tumatangkilik sa atin, mahihirap. Dapat ibinabalik din natin sa kanila ‘yan. Iyan ang batas na gusto kong gawin. Batas para sa mahihirap.”

“Ano ang kailangan ng mahirap? Mabuhay nang maayos. ‘Di ba? Hindi ‘yong nabubuhay na laging may sakit. Ganitong nararamdaman. Walang trabaho. Walang edukasyon. Iyan ang pinaka-basic na kailangan natin,” dagdag pa niya.

Plano ni Willie na unahing magsagawa ng batas para sa kalusugan, trabaho, investors, at pangangailangan ng mga kabataan.

Hindi maitatangging kahit noon pa man ay malapit na ang TV host sa mga taong mahihirap lalo na sa mga senior citizens na laging pumupunta sa kanyang game show noon pa mang nag-umpisa siyang magkaroon ng sariling programa.