Advertisers

Advertisers

DUTERTE CAMP NAGLABAS NG LAST-MINUTE FAKE SURVEY; PULSE ASIA NAGPABULAAN

0 8

Advertisers

“Nais naming linawin na ang Pulse Asia ay hindi nagsagawa ng kahit ano sa survey na ito.”

DESPERADONG manalo, ang Duterte camp ay napaulat na naglunsad ng last-minute communications maneuver sa pamamagitan ng pag-post ng pekeng survey sa social media, na nagsasabing nangunguna ang mga Dutertes sa local elections.

Ito ay kasunod ng pagtanggi ng polling firm na Pulse Asia sa isang pekeng survey na nagsasabing si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lumalamang ng higit sa 55 porsiyento laban sa karibal niya sa pagka-alkalde ng Davao City na si Karlo Nograles.



Ang pekeng survey, na may petsang Abril 26 hanggang Mayo 6, 2025, at ipinost sa Facebook page ng Maisug Mindanao, ay nagsasabing ang ibang miyembro ng pamilya Duterte na tumatakbo sa halalan ay nangunguna sa kanilang mga kalaban.

Sa gitna ng pagkakatuklas dito ng ilang lokal na pahayagan, mariing itinanggi ng Pulse Asia ang anumang pakikiisa sa paggawa o pagpapalabas ng sinasabing survey.

“We wish to clarify that Pulse Asia did not conduct any of this survey. Since our founding in 1999, Pulse Asia has upheld the highest professional standards in conducting surveys and research,” sabi ni Pulse Asia Research Inc. President Ronald Holmes sa isang statement.

“We strongly denounce the unauthorized use of our name to spread false or misleading information,” dagdag pa ni Holmes.

Ang pekeng survey ay nagdulot ng backlash sa online, kung saan maraming netizen ang inakusahan ang kampo ni Duterte ng muling paggamit ng disinformation tactics.



“Never talaga nagbago mga DDS at kulto. Fake news peddlers noon at ngayon. Karmahin sana kayo!” pahayag ng isang Facebook user.

May isang user din ang nagsabi na bahagi ang pekeng survey ng isang mas malawak na planong kondisyunin ang isipan ng publiko at ihanda ang pundasyon para kuwestiyunin ang resulta ng halalan sakaling matalo si Duterte.

“Mind conditioning, para kapag natalo sila magpoprotesta kasi dinaya. Hahaha galawang PDP. Hahaha nangunguna eh wala namang nagawa o kwenta yang PDP team na ‘yan,” sabi ng isang netizen.

Sa kasalukuyan, si Rodrigo Duterte ay nakakulong sa The Hague, Netherlands, kung saan siya ay nahaharap sa mga kaso laban sa human rights dahil sa mga umano’y extrajudicial killings sa panahon ng kontrobersyal niyang kampanya kontra droga.