Advertisers
SUMANDAL ang Far Eastern University kay Dryx Saavedra upang idispatsa ang defending champion National University, 22-25, 25-22, 13-25, 25-22, 15-13, sa Game 1 ng UAAP Season 87 men’s volleyball best-of-three finals sa Araneta Coliseum sa Quezon City Linggo.
Nagtala si Saavedra ng game-high 25 points,built on 21 attacks,three blocks,at ace, upang pamunuan ang opensa ng Tamaraws sa kanilang unang championship simula Season 74 noong 2012.
Amet Samuel Bituin nagdagdag ng 16 points on 13 attacks at three blocks,habang si Mikko Espartero bumakas ng 10 points at 26 excellent receptions para sa FEU.
Ito ay unang talo ng NU sa finals simula Season 79 matapos walisin ng Ateneo de Manila ang tournament.
Bago nangibabaw ang Bulldogs sa sumunod na four seasons, na may dalawang taon pagitan dahil sa Covid-19 pandemic.
Pakay ng FEU ang kanilang 26th title sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Leo Ordiales nagtapos ng career-high 23 points on 22 spikes at block, habang si Jade Disquitado may 17 points, 17 receptions, at eight digs para sa Bulldogs.
Michaelo Buddin, nagdagdag ng 12 points, Rwenzmel Taguibolos at Leo Aringo Jr. na may nine at seven points, ayon sa pagkakasunod.