Advertisers
UMISKOR si Pascal Siakam ng 21 points, habang si Myles Turner at Obi Toppin nagdagdag ng tig-20 points,upang buhatin ang Indiana Pacers sa 129-109 wagi kontra Cleveland Cavaliers sa Game 4 ng kanilang Eastern Conference semifinals series Linggo ng gabi sa Indianapolis.
Ang fourth-seeded Pacers ay hawak ang 3-1 lead laban sa top-seeded Cavaliers ng best-of-seven series. May posibilidad na mapitas ng Indiana ang kanilang ticket para sa kanilang pangalawang sunod-sunod na conference final kapag nagwagi sa Game 5 ngayon Martes sa Cleveland.
Dagdag insulto pa sa Cavaliers ang pagkaupo ni Donovan Mitchell sa second half na may left ankle injury. Ang six-time All-Star nagtapos ng 12 points on 3-of-11 shooting mula sa floor.
Ben Sheppard umiskor ng 14 points, T.J. McConnell nagdagdag ng 13 at Aaron Nesmith may 12 para sa Pacers.