Advertisers

Advertisers

Pakyaw en Iskati!

0 5

Advertisers

Parehong pangalan ng mga asawa nina Manny Pacquiao at Scottie Thompson.

Kapwa Jinky ang mga misis ng boksingero at basketbolista. Pero ang pagkakaiba lang ay ang spelling sa dulo. Jinkee Jamora sa 8x world champion at Jinky Serrano naman ang sa pambato ng Ginebra.

Ang maybahay ni Manny nabigyan siya ng limang anak. Sina Emmanuel Jr (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace( Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel. Yung isang anak nilang babae ay sa London pa nag-aarak.



Si Jinky nakapagsilang na ng dalawang lalake na sina Aster at Austin. Buntis muli siya ngayon para sa kanilang ikatlo.

***

Nagbalik eskwela ang retiradong player ng NBA sa kanyang alma mater na University of Kentucky.

Ngayon nga ay natapos na ng kursong BA Communication ang 2x champ.

Naglaro siya noon 2004-06 sa Wildcats.



Katkatuwa na malaman na ang mga pro ay muling nag-eenroll upang maging ganap na college degree holder.

Sa atin ay nandiyan sina Benjie Paras at Zandro Limpot bilang mga ehemplo. Ang Tower of Power pinangatawanan ang pag-aaral sa UP samantalang si Limpot ay sa Benilde- DLSU.

Mayroon ding mga cager na kumuha pa ng masters kasi graduate na sila sa kolehiyo nguni’t may natitira pang playing year. Ganyan sina Rey Evangelista at Ed Cordero sa UST.

***

Namimiligrong mawala sa eksena ang mga numero uno sa Western at Eastern Conference sa NBA. Masama ang simula sa 2nd round ng Thunder sa West at Cavalierz sa East.

Habang sinusulat ang pitak na ito ay 2-2 ang serye ng OKC vs Denver at 1-2 naman Cleveland at katunggali nitong Indiana.

Sa loob ng isang linggo ay malalaman na natin kung magbabakasyon na sina Donovan Mitchell at 5 Shai Gilgeous-Alexander.