Advertisers
NAKAMIT ng Pilipinas ang pitong silver at pitong bronze medal sa Asian Weightlifting Championships sa Husnan Sports Park sa Zhejiang, China Linggo ng gabi.
Nakalap ni Elreen Ann Ando ng Cebu, na sumabak sa 2020 Tokyo at 2024 Paris Olympics, ang tatlong silver medals sa women’s 64kg category, nabuhat ang kabouang 232kg( 102-130).
Chinese Li Shuang nasungkit ang gold medals sa snatch (105kg), clean and jerk (134kg), and total (239kg) habang ang Korean Mun Minhee nalagay sa third na may 214kg (94-120).
Rosegie Ramos ng Zamboanga City nagdagdag ng tatlo pang silver para sa Team Philippines, sa kabouang buhat na 197kg (90-107) sa women’s 49kg category.
Thanyathon Sukcharoen ng Thailand nagrehistro ng best lift na 200kg (91-109) habang si Xiang Linxiang ng China nagtapos third na may 189kg (86-103).
Sa men’s 55kg category, Cebuano Fernando Agad Jr. nakupo ang silver medal sa clean and jerk (141kg) at fourth sa snatch (113kg) at total (254kg).
Wang Weidong ng China ranked first na may 265kg (119-146), kasunod si Gia Thanh Lai ng Vietnam na may 260kg (120-140) at Mansour Al Saleem ng Saudi Arabia na may 254kg (117-137).
Samantala, 2019 SEA Games gold medalist (71kg) at 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games bronze medal winner (69kg) Kristel Macrohon ay sasabak sa Martes.
“Asian Weightlifting today dominates the Olympics. So, if you win a silver here will likely give you a chance in the 2028 Los Angeles Olympics. We have three more years to go and looks good. The more competition, the better,” Wika ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella sa online interview Lunes.