Advertisers

Advertisers

SA COMELEC, ‘WAG SA SOCMED MAGPALIWANAG

0 1,298

Advertisers

SA pinakahuling ulat, higit 400 na ang bilang ng mga ‘SCO’ (show cause order) na nailabas ng COMELEC hanggang noong Linggo, “bisperas” ng halalan, higit doble sa naitalang bilang noong Abril na 203 ‘SCOs.’

“Pruweba” ito, mga kabayan na kung “naliliitan” ang ilang kandidato dito sa ating kaibigan na si Chairman George Erwin Garcia kaya todo-abuso pa rin sa panahon ng kampanya, “sumasakit” ngayon ang mga ulo nila.

Masasabing “pinakahuli” sa naisyuhan ng SCO ay itong si Bustos, Bulacan, vice mayoralty candidate, Martin Angeles. Inilabas ang kanyang SCO makalampas ang tanghalian noong Linggo, ilang oras na lang bago ang botohan.



Sa nakita nating kopya ng reklamo, ‘sandamakmak’ ang “ebidensiya” laban dito sa kapartido ni Governor Daniel Fernando, na hindi puwedeng isantabi at tawaging ‘fake news,’ “kathang-isip” o “gawa-gawa” lang.

Ang nakakatawa, ‘appeal to public emotion’ na may kasamang “pambobola” ang ginagawa nitong si Angeles sa social media’ (Socmed).

Sa halip na ipaliwanag bakit siya may SCO ngayon, mas gusto niyang isyu ay ang umano’y “pagsalakay” ng mga “pekeng media” at COMELEC sa kanyang balwarte sa Bgy. Malamig, Sabado ng gabi.

Desisyon ng COMELEC kung maglalabas ng SCO o hindi sa ano mang reklamo. At malinaw na may batayang nakita kaya nga siya pinagpapaliwanag ngayon, tama?

Hindi sa isyu ng ‘fake raid’ mas interesado ang publiko kundi ang bintang na vote buying laban kay Angeles na may mga kasamang ebidensiya.



Bukas, Miyerkules, ang ‘deadline’ ng COMELEC kay Angeles at mainam para sa kanya na sa ‘proper forum,’ sa COMELEC, siya magpaliwanag at hindi sa socmed.

Magprinsinta siya ng ebidensiya at huwag idaan sa boladas o “Kuwentong Barbero” ang pagdepensa sa kaso niya.

Abangan!