Advertisers

Advertisers

“Sama-sama po nating itaguyod ang isang mabuting kinabukasan para sa ating lungsod” – Mayor Honey

0 4

Advertisers

IPINAPAKITA ni Mayor Honey Lacuna ang indelible ink sa kanyang daliri matapos bumoto. (JERRY S. TAN)

“MASAYA po tayong bumoto. Hinihikayat ko po ang bawat isa na tuparin ang kanilang tungkulin bilang mamamayan sa pamamagitan ng pagboto. Sama-sama po nating itaguyod ang isang mabuting kinabukasan para sa ating lungsod.”



Ito ang pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna, matapos bumoto sa Legarda Elementary School , Sampaloc, kung saan sinabi niya rin na nakahinha na siya dahil tapos na ang campaign period at bumoto na siya.

Matapos bumoto ng alas-9 ng umaga, nagpahayag si Lacuna ng pasasalamat sa mamamayan ng Maynila na patuloy na sumusuporta at naniniwala sa marapat at totoong serbisyo publiko ng kanyang administrasyon.

Sakaling matapos na Ang canvasing at siya ay magkaroon pa ng panibagong termino, ang lahat ng programa na nakalinya sa mga senior citizens at jobless Manilans ay magtutuloy.

“Marami pa tayong kailangang tapusin at gawin,” pahayag ni Lacuna at idinagdag na kino-commit niya ang lahat sa Panginoon.

SI Lacuna ay gumagawa ng kasaysayan matapos n maging kauna-unahang vice mayor, Manila City Council majority floorleader, Presiding Officer atfirst woman mayor sa 450-taong kasaysayan ng Maynila.



Ang kanyang reelection bid ay sinusuportahan ng Lima sa anim na incumbent Congressmen, majority ng Manila Councilors at ilang religious organizations kabilang na ang Muslim groups at private entities.

Siya ay tumatakbo sa ilalim ng Sm Lakas-CMD party at city’s ruling dominant party na AsensoManileño.

Sinusuportahan din si Lacuna ng kampo ni dating Mayor r Fred Lim at ng Senior Citizens’ Party-list, at iba pa.

Bilang doktor, ang kanyang priorities ay ang best health care at social services para sa may sakit,nakatatanda at mga indigents. (ANDI GARCIA)