Advertisers

Advertisers

Sue tiniyak, pinasasaya ni Dominic

0 2

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BALIK-tambalan sina Sue Ramirez at Diego Loyzaga sa “In Between”, mula sa direksyon ni Gino M. Santos.

Sa “In Between” ay si Gaila si Sue na nasa late 20s, freelance musician, make-up artist, at graphic artist. Carefree at adventurous, bisyo ni Gaila ang uminom ng beer.



Si Diego naman si Shane na nasa early 30s, nagtatrabaho sa real estate business ng kanilang pamilya, pero interesado sa bartending.

Palabas na ang “In Between” sa mga sinehan mula sa Viva Films.

Samantala, kitang-kita sa aura ni Sue na masaya siya ngayon.

“Wow, thank you po. Actually masaya po talaga.”

Bakit siya masaya, ano o sino ang nakakapagpasaya sa kanya?



“Well, ang kalma ng life.

“Kakagaling lang sa bakasyon. Wala, I don’t feel pressured, ahhm… masaya lang ako talaga.

”Well of course si Dom has been making me happy, has been taking care of me,” pagtukoy ni Sue sa espesyal na lalaki sa buhay niya ngayon niya ngayon, si Dominic Roque.

Paano siya napapasaya ni Dominic?

“Sine-share niya yung interests niya with me, he also asks me what I want to do, kung ano yung mga interest ko and so far nagdyi-jell talaga yung mga interests namin.

“Hindi ko alam kung dahil sabay kami ng birthday, charot,” at tumawa si Sue. “Actually sabay kami ng birthday! July 20.

“Kaya siguro nagdyi-jell kami ng mga interests.”

Pero wala pa raw silang plano sa sabay nilang kaarawan.

“Wala pa nga actually, wala pa kaming plans talaga.”

Natanong si Sue kung ang nag-viral na kissing photo nila ni Dominic sa Siargao noong Nobyembre 2024 ang simula ng kanilang pagkakamabutihan?

“Hindi pa, hindi pa,” ang natatawang pakli ni Sue. “Well nag-uusap-usap na po kami ng time na iyon. “But like iyon nga, sabi ko, when I drink, I get too excited, e ang pogi, kiniss ko!

“Charing lang! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, well… nag-uusap na po kami nun, medyo papunta na kami sa nagkakamabutihan na po kami, nagliligawan.”

Hindi raw iyon biyahe na grupo silang magkakasama.

“No, it was actually my trip, ‘coz I did a lot of films last year so I wanted to take a break, so talagang nakaplano yung one month ko sa Siargao.

“And since nag-uusap na kami nun ni Dominic he asked me kung, ‘Is it okay if I follow to Siargao. I want to get to know you more.’”