Advertisers

Advertisers

Along Malapitan naungusan si Antonio Trillanes sa Mayoral Race sa Caloocan

0 4

Advertisers

Nangunguna si Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan sa karera sa pagka-alkalde ng Caloocan laban sa dating Senador Antonio Trillanes IV, base sa partial at unofficial results mula sa Commission on Elections (Comelec) para sa Eleksyon 2025.

Ayon sa pinakahuling tala mula sa Comelec Transparency Media Server 1:08 ng madaling araw nitong Martes, Mayo 13, nakakuha si Malapitan ng 334,816 boto.



Nakakuha naman si Trillanes ng 223,110 boto — may 76 percent pa lamang ng election returns mula sa lungsod ang naipapasa.

At pormal ng naiproklama ng Comelec bilang alkalde ng lungsod ng Caloocan si Mayor Along Malapitan.
Magsisilbi si Malapitan sa ikalawang pagkakataon para muling ipagpatuloy ang pagiging pinuno ng lungsod.

Kasabay nito, lumalamang din ang kandidato ng Partido Malapitan para sa pangalawang alkalde, si Karina Teh, na may 338,033 boto. Malayo ito sa nakuha ng running mate ni Trillanes na si PJ Malonzo.

Nagpasalamat naman si Malapitan sa suportang ipinakita ng bawat residente ng Caloocan habang halos ng nasa line-up nito ay nanalo rin sa botohan.

Kaugnay nito, muling iginit ng alkalde na asaham ng bawat residente ng Caloocan na muling maipagpapatuloy at palalaksin ang mga programa na kanilang nasimulan.(BR)