Advertisers

Advertisers

Charly Suarez humiling ng rematch kay Navarette

0 3

Advertisers

KUMPIYANSA ang kampo ni Filipino challenger Charly suarez na makakuha ng rematch matapos ang kontrobersyal na pagkatalo nito kay Emmanuel Navarette ng Mexico.

Malaki rin ang posibilidad na magdeklara ang California State Athletic Commission na ang laban ay no-contest.

Itinigil kasi ng sa ika-pitong rounds ng makitang dumudugo na ang kaliwang mata ng Mexican boxer dahil sa aksidenteng pagbangga sa ulo.



Dahil dito ay inihinto ang laban at hawak ng Mexican boxer ang kalamangan at kaniyang napanatili ang WBO super feather weight crown.

Subalit marami ang nagkuwestyon na ang sugat ay mula sa suntok ni Suarez at nagwagi sana ito sa pamamagitan ng technical knock out.

Inamin ni Navarette na hindi madaling kalaban si Suarez at nahirapan ito sa kanilang laban.