Advertisers

Advertisers

Congratulations!

0 2,420

Advertisers

TAPOS na ang eleksyon!!! Bati-bati na tayong lahat. At sana makilala pa tayo ng mga kandidatong ipinaglaban natin ng murahan. Hehehe…

Opo! tapos na ang Halalan ‘25. Eh kumusta naman ang mga manok ninyo? Nanalo ba? Aba’y congratulations!!!, at binabati rin natin ang mga hindi pinalad, better luck next time, ika nga. Kailangan pa sigurong magpakitang-gilas kung may plano pa sa 2028. Hehehe…

Kung nanalo ang mga manok ninyo sa halalan, sana’y makilala pa nila kayo after this election, at sana’y makapag-deliver sila ng mga serbisyong ipinangako nila nung nangangampanya.



Opo! Subaybayan natin ang trabaho nitong mga naihalal natin sa tatlong taon ng kanilang termino. Maikli lang yan…

Again, congratulation, winners!!!

***
Nasorpresa ang lahat sa pagkapanalo nina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa senatorial race. Hindi lang basta panalo, nag-No. 2 pa si Bam at No. 5 si Kiko. Ang dalawang ito’y malayo sa mga survey. Ang nakakatawa nga ay ang consistent pumapangatlo sa survey na si Ben Tulfo ay nalaglag sa No. 13. Kaya naniniwala na ako na hula-hula lang din ang survey survey na yan. Mismo!

Pasok din bilang partylist representative sina Laila de Lima at Chel Diokno, kapwa kampeon sa mga batas.

Sa pagkapanalo ng apat na ito, asahan na ang pagbangon ng mga “Dilawan”, sabi nga.



Ang No. 1 sa mga senator-elect ay ang reelectionist na si Bong Go, ang nagpanday ng Malasakit Center.

Sa panalong ito ni Bong Go, hindi malayong kumasa na itong pangulo sa 2028. Kasi nga… kahit matalo siya sa pagtakbong presidente ay balik-senado lang siya. Walang mawawala sa kanya. Wanna bet???

Sa panalong ito naman nina Bam at Kiko, lalong lumakas ang posibilidad na mapatalsik si VP Sara sa nakatakdang Impeachment Trial sa Hulyo 31. Kasi nga lamang na sa bilang ang mga senador na kontra Duterte. Araguy!!!

***

Binabati ko ang aking kaibigang Isko Moreno sa landslide na panalo sa pagka-mayor ng Maynila. Tinambakan sina reelectionist Honey Lacuna at Sam Verzosa.

Opo! Balik-Maynila si Kois. Nahatak niya sa panalo ang kanyang ka-tandem na si Chi Atienza bilang Vice Mayor.

Panalo rin, No. 1, ang panganay na anak ni Kois na si Joaquin bilang konsehal sa District 1 ng Tondo. Malamang ang batang ito ang papalit kay Kois ‘pag nahinog na sa pagka-konsehal.

Ayos ka na, Bambi!

***

Binabati ko rin ang kauna-unahang lady governor-elect ng Romblon, Trina Frimalo-Favic. Landslide ang panalo ni Trina sa kabila na binuhusan siya ng kuarta ng kalaban. Sa 17 bayan sa Romblon, dalawa lang ang pinanalunan ng reelectionist na si Otik Riano.

Sa panalong ito ni Trina, asahan ang malaking pagbabago na mangyayari sa politika ng Romblon, at asahan ang good governance. Mismo!

Si Trina ay isa sa most trusted govt. official sa Pilipinas. Hindi nagkamali ang mga Romblomanon sa paghalal sa kanya.

Pangunahing priority ni Trina ang kalusugan, i-upgrade ang mga provincial hospital, gawing 24 oras na bukas ang lahat ng municipal health centers, libreng maintenance sa seniors, libreng laboratoties at libreng school supplies.

Sa panalong ito ni Trina, malamang sinisilihan ang puwet ng mga bgy kapitan na hindi nagpagamit ng covered court sa team ni Trina noong panahon ng kampanyahan.

Anyway, hindi ganun si Trina. Never siyang namumulitika.

Mabuhay ang Romblomanon!!!