Advertisers

Advertisers

Lotlot nagpasalamat sa Noranians sa pagbisita pa rin sa libingan ni Mommy Guy; Chukie nilinaw, malamya pero ‘di bading

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PALCENTE

USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating child star na si Chuckie Dreyfus. Malamya kasing kumilos noong kanyang kabataan si Chuckie.

Sa guesting ni Chuckie sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niya na kahit paano’y nakaapekto rin sa kanyang personal life at showbiz career ang mga tsismis na bading siya.



“Yes. Especially back in the day, 80s, 90s. Because now, it’s so accepted now. I mean, it doesn’t really matter,” sabi ni Chuckie.

Pinaninindigan ni Chuckie na hindi siya bading.

“Of course not. Eh, ganu’n ako kumilos eh,” depensa ni Chuckie.

Pati raw ang misis niyang si Eileen ay inakalang bading siya noon.

“I don’t know if people know this, blind date kasi kami nu’n (ni Eileen). We were hooked up to date.



“And naalala ko pa ang sabi raw niya is, ‘Oh, i-hook up kita kay Chuckie Dreyfus.’

“Ang unang sinabi pa ng wife ko ngayon, ‘Ayoko du’n kasi ‘di ba bading ‘yun?’ ‘Iba na lang,’ gumaganu’n siya. Eh wala nang choice nu’ng time na ‘yun,” sey ni Chuckie sabay tawa.

Kasunod nito, pinatunayan daw ni Chuckie kay Eileen na lalaking-lalaki siya at walang bahid ng kabadingan.

“So, pinakita ko sa kanya na, ‘hmmm,’ ayon nagkaanak kami agad,” sey pa ng aktor.

Si Chuckie ay ikinasal kay Aileen noong 2001 sa Santuario de San Jose in Greenhills. May dalawang anak sila, sina Ralph and Isabella.

***

ANG mga tagahanga ni Nora Aunor na mga Noranians ay araw-araw pa ring bumibisita sa kanyang puntod sa Libingan ng mga Bayani.

Iyan ang ibinalita ni Lotlot de Leon matapos bisitahin ang libingan ng kanyang yumaong ina kasama ang kanyang mga anak na sina Diego, Maxine, Jessica at Janine, at kapatid na si Kiko. Kasama rin nila ang boyfriend ni Janine na si Jericho Rosales.

Ibinahagi ng premyadong aktres sa kanyang Instagram page ang kanilang family photos na kuha sa harap ng puntod ni Ate Guy.

“Two days ago we visited mom with her apos and echo and my brother Kiko. Maayos na yung lugar,” simula ng mensahe ni Lotlot.

Todo ang pasasalamat ni Lotlot sa patuloy na pagbibigay-pugay ng mga tao sa kanyang nanay, lalo na sa mga tagahanga nito.

“Araw-araw marami pa din bumibisita sa kanya. There are times I wait in the car when I visit her ‘pag maraming tao. And I see how they pay their respects to mom. Salamat sa pagmamahal niyo sa kanya.

“Thank you sa inyo na dumadalaw at lagi kayo may dalang bagong kandila at bulaklak para kay Mommy.

I’m sure she’s smiling from up above and masaya siya. Thank you for always praying for her too,” pahayag pa niya.

Pinasalamatan din niya ang mga opisyal at staff ng Libingan ng mga Bayani.

“Maayos na yung place ng mommy… sobrang linis at ganda. I’m really grateful sa malasakit niyo.

“Mula sa aking puso, Mahal ko kayo at maraming salamat,” mensahe pa ng aktres.