Mayor Honey tanggap ang desisyon ng mayorya ng mamamayan ng lungsod
Advertisers
TAOS pusong nagpahayag ng kanyang pasasalamat. si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng nagbigay ng pagtitiwala, at sumama sa kanilang kampanya at sa prinsipyo ng kanilang team campaign and her team’s principles, at sinabi rin nito. na tinatanggap niya ang desisyon ng mayorya ng mamamayan ng Maynila.
“Nais kong ipahayag ang taos puso kong pasasalamat sa lahat ng mga nagtiwala, tumulong, sumama, nakiisa at nakibahagi sa ating paninindigan. Maraming salamat sa mga naglaan ng panahon, sa mga nag-alay ng kanilang lakas, talino at kakayahan, sa pagsama sa ating kampanya. buong kababaang loob nating tinatanggap ang kapasyahan ng higit na nakararami sa atin,” pahayag ni Lacuna.
Ayon kay Lacuna, tapos na ang eleksyon at panibagong yugto ng demokrasya ang nasaksihan at sinabing :” election day is the only time when people from all walks of life have equal power.’
Pinasalamatan niya rin ang mga residente ng Maynila sa pagbibigay sa kanya ng opurtunidad at prebilihiyo na maging first lady mayor sa kasaysayan ng Maynila.
“Buong pagpapakumbaba kong ipinagkakapuri ang malaking karangalan na ipinagkaloob ninyo sa akin,” saad nito.
“Mula noon at magpahanggang ngayon, taas noo nating inaalay ang tapat at totoong serbisyo sa mamamayang Manilenyo. Habang buhay kong handog sa inyo ang pagmamahal ng isang ina at kalinga ng isang doktora,dagdag ng lady mayor.
Bilang pagkatapos sinabi ni Lacuna na: “Muli, ang taos puso kong pasasalamat sa inyong lahat. Sa Diyos natin ibigay ang kapurihan at karangalan dahil sa Kanya nagmumula ang pinaka-magandang plano para sa bawat isa. Patuloy nating gawing makabuluhan ang bawat hakbang sa paglalakbay natin sa mabiyayang buhay. Ang pagmamahal ninyo at pagtitiwala sa Pamilya Lacuna, magmula pa sa aking ama na si Danny Lacuna, ay hinding hindi ko malilimutan magpakailan man. Mahal na mahal ko kayong lahat mga kapwa ko Manilenyo. Pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.” (ANDI GARCIA)