Advertisers

Advertisers

ROBB GUINTO SINWERTE NANG PINA PUNSOY ANG SCREEN NAME

0 6

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

KUNG inyong napapansin, rumaratsada ngayon ang Vivamax artist na si Robb Guinto. Nasa Batang Riles siya at paborito rin siyang kunin sa mga out of town shows at maging sa pag endorso ng mga produkto.

Kung tutuusin, siya na talaga ang maituturing na pinaka-successful na Vivamax artist pero low profile lang si Robb at very thankful siya sa Maykapal sa mga proyektong kanyang natatanggap.



Pero alam nyo bang second attempt na ito ni Robb sa showbiz particularly sa Vivamax?

Noong una kasi ay Rob Guinto ang gamit niya although may mga projects naman siya noon pero so so lang hanggang sa mag-decide ang kanyang manager na si Lito de Guzman na ipa-Punsoy ang kanyang screen name at pinayuhan na imbes na Rob na isang B lang ay gawin itong Robb, para magiging Oro ang bilang.

Tama nga naman, nang gawing Robb ay dinagsa na siya ng mga projects. For the record, siya at si Angelica Khang lang among the Viva artists na ipinalabas sa sine ang kanilang dapat ay sa online platform lang or sa Vivamax lang mapapanood, at ito ay ang Unang Tikim na ipinalabas last year.

Ang sabi, walang lovelife ngayon si Robb dahil nga super busy ang kanyang schedules samantalang noong first attempt niya sa showbiz, ang gwapo ng kanyang
bf pero halos nganga naman ang kanyang career.

Totoo talaga ang kasabihan na sa showbiz, bibihira lang talaga yung kayang pagsabayin ang lovelife at career. Kung may mga offers, grab lang nang grab kasi sa dami ng magagandang artista ngayon, ang tindi talaga ng kumpetisyon.



NATAON SA ELEKSIYON ANG BIRTHDAY NI LDG

SA 57 years sa mundo ng manager ni Robb Guinto na si Lito de Guzman, ngayon lang nataon sa eleksiyon (May 12) ang kanyang birthday.

Siyempre, bawal ang alak e di ba kasi may liquor ban. Ang party ay di matatawag na party kung walang alak
Pero alam kong ipo postpone lang niya ito.
Maraming bagay para i celebrate ni LDG ang kanyang kaarawan, una ay ang malusog niyang pangangatawan, pangalawa ay bongga ang careen ng kanyang mga talents ngayon hindi lang si Robb Guinto , pati yung iba pa at higit sa lahat ay ang kanyang all male group na Magicvoyz na rumaratsada na ngayon sa mga provincial shows at higit sa lahat, love na love siya ng kanyang 3 anak.
Happy birthday Dong Lito!

JHEN BOLES GINAGAYA

ISA sa mga personalidad na sumikat during the pandemic ay si Jhen Boles na sikat ngayon bilang online seller ng mga original preloved items particularly bags.

Tinataya kasi ni Jhen ang kanyang pangalan sa mga items na kanyang binebenta online. Kailangang walang makalusot na fake. At dito naman siya expert, ang pagkilatis ng mga original at pekeng bag dahil nagpaka dalubhasa siya sa Thailand at Singapore sa pag-uuri ng mga branded bags.

Yun nga lang, ang dami nang gumagaya kay Miss Jhen. Ang dami nang nag-o-online selling ngayon ng mga pre loved items pero di nila magaya ang. original, ang reyna. Pagsasalita pa lang, energy pa lang, ligwak na silang lahat, hahahaha!

At ang mga nakakasama ni Miss Jhen sa live, mga taga showbiz lang naman like Dexter Doria, Patani, Rainier Castillo, minsan napanood ko pa si Cogie Domingo, ang member ng Magic Voyz na si Asher Diaz at ang paborito ni Jhen na si Toni Co ang pinaka regular seller .

Minsan ay nakakasama pa kami ni Benny Andaya sa pag o online selling sa Tres Chic Luxury Orignal, ang business name ni Jhen.

At dahil sikat na nga si Jhen, kaliwa’t kanan na ang pagtanggap niya ng awards and recognition. Ilang tropeyo at plaque na ba ang kanyang natanggap that includes FAMAS?.

At sa May 17 ay pagkakalooban na naman siya ng panibagong pagkilala at ito ay ang Southeast Asia Achievement Award na gaganapin sa Grand Opera Hotel.
Bongga ka talaga Madam Jhen!
Enjoy your vacation now in Thailand.