Advertisers

Advertisers

SPORTSMAN BONG GO NUMERO UNO

0 6

Advertisers

TUNAY na nagbubunga ng mabuti ang taos-pusong paglilingkod sa sambayanan

Sa lahat kasi ng mga lingkod- bayan partikular sa nasyunal na aspeto, si Senator Bong Go ang may opisyal na resibo ng kanyang serbisyo mula day one ng kanyang termino nang mahalal sya bilang Senador ng Republika noong 2019.
Akala ng mga kritiko noon ng administrasyong Duterte, magiging stamp pad lang siyang manbabatas pero pinatunayan niyang di nagkamali ang Pilipino dahil agad siyang tumupad sa kanyang pangako na halos 24/7 ay trabaho lang ang workaholic senator

Serbisyo sa masa, Malasakit health program,kapakanan ng masa at suporta sa larangan ng sports ang naramdaman ng sambayanan sa loob ng anim na taong walang puknat.



Dahil sa sipag, dedikasyon at bukal ng kalooban ay namayagpag si SBG sa lahat ng surveys na isinagawa bago ang eleksyon, gayunpaman ay di siya nagpetik-petik sa kumpiyansa kaya tuloy-tuloy pa rin ang reach out nya sa buong kapuluan kahit out of reach na siya bilang top one sa panahon ng kampanya at ito ay napatunayan sa moment of truth na bilangan ng boto.

Simple lang pero rock ang pormula ni topnotcher senator Bong Go- performance, pagtupad sa pangako humble leader at di nakalimot sa mga kaibigan at taga-suporta sa kanyang adikhain kahit nasa tugatog na siya ng pedestal ng tagumpay.

Sana lahat ng nasa Senado ng 20th August Chamber ay katulad ni SBG na ang prayoridad ng paglilingkod ay ang sambayanang Pilipino kesa pamumulitika.

PUGAY Sen.Bong Go..MABUHAY!

Lowcut:Sayang ang katulad ni Atty Francis ‘Tol Tolentino at Attý.Vic Rodriguez na di nakapasok sa Magic12.Better luck next race di ba SG Vhergel Divina?