Advertisers

Advertisers

WARRANTLESS ARREST, SELECTIVE???

0 2

Advertisers

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang Philippine National Police (PNP) na higpitan ang pagbabantay sa mga bumibili ng boto.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na hindi na kailangan ang warrant of arrest sa paghuli sa mga bumibili ng boto dahil ito ay pinapayagan sa batas.

Dagdag pa nito na mayroon itong mahigpit na bilin sa mga kapulisan bilang kanilang deputized agent at kailangan ang paghigpit sa pag-aresto sa mga bumibili ng boto.



Maging aniya ang mga nagbebenta ng mga boto ay maaring arestuhin ang mga ito kung saan mahaharap ang mga ito ng hanggang anim na taon na pagkakabilanggo.

Napakaganda sana ng intensiyon at motibo ng Comelec para maiwasan ang talamak na bilihan at bentaham ng boto.

Ang kaso,naging selective ito sa panig ng kapulisan na TILA BINIGYAN ng ” marching orders” ng kung sinong Poncio Pilatong demonyo na i- single out ang mga kilalang pulitiko na kalaban ng administrasyong Marcos Jr.

Sa mismong home town ( city) ng mga MARCOSES sa Laoag City ay lantarang ang vote- buying.

May mga mahabang papila pa sa mismong headquarters ng pamilyang naghahari.



Itanong pa po ninyo kay reelectionist Mayor Michael Marcos Keon.

Yes po,Marcos versus aso ni BBM ang naglalaban sa pagka- alkaLde sa nasabing lugar.

Sa Ilocos Norte partikular sa Laoag City.

Wag na nating palayuin pa ang mga ganitong garapalang sitwasyon sa naganap na halalan kahapon sa buong bansa.

Ang ” glaring reality” inutil ang kapulisan at AFP sa mga pandaraya at pang- aabusong naganap sa idinaos na eleksyon.

Pawang mga mistulang alila lamang kasi ng mga Marcos ang mismong Comelec,PNP at AFP.

Kaya naman bulag ,pipi at bingo ang mga ito sa mga kabulastugan at KAWALANGHIYAANG pinaggagawa ng mga asong kandidato ng naghaharing LAHING MARCOS.

Nothing more to say than OKI NI NAM nyo!

Sa pangkalahatan,binaboy at binalasubas ang sagradong proseso ng halalan!

Nakita ng sambayanan ang garapalang pang- aabuso sa kapangyarihan ng mga taong nakaupo.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com