Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG 2010 ang unang attempt sa politika ni Ara Mina. Tumakbo siya bilang konsehal sa 2nd district ng Quezon City. Pero hindi siya pinalad na manalo.
Sinubukan ulit ni Ara na pasukin ang politika. This time ay tumakbo siya bilang konsehal sa 2nsd district ng Pasig City. Pero hindi pa rin siya nanalo.
Sa katatapos lang na midterm election noong Lunes, May 12, ay pang-sampu lang siya sa mga naglaban-labang konsehal sa second district ng Pasig.
Maraming nagtaka kung bakit sa Pasig naman tumakbo si Ara bilang konsehal. Ang katwiran niya, may bahay daw sila noon sa nasabing siyudad, at doon daw siya nag-aral noong nasa elementarya siya.
May mga nagsasasabi na sana raw ay sa partido na lang ni Pasig Mayor Vico Sotto sumama si Ara, at baka raw nanalo pa siya.
Si Angelu de Leon daw, sa unang sabak nito sa politika, noong unang tumakbo siya bilang konsehal sa 2nd district din ng Pasig City noong 2022, ay sa ticket ni Mayor Vico sumama. Ayun at nanalo ang aktres.
Malakas daw kasi sa mga botante sa Pasig si Mayor Vico, kaya nadala nito si Angelu.
Nang muling tumakbo sa pagka-konsehal si Angelu sa pagka-konsehal sa Pasig City, win ulit siya. At hindi lang siya basta nanalo, huh! Siya ang nasa unang pwesto.
Kung si Ara ay hindi nanalo at siguro ay hindi siya para sa politika, marami namang kapwa niya celebrity ang sinuwerteng manalo.
Sa bakbakan sa pagka-congressman, sigurado na ang pagkapanalo ng mga aktor na sina Richard Gomez (4th district ng Leyte), Arjo Atayde (1st District ng Quezon City), at Jolo Revilla (1st District ng Cavite).
Wagi rin ang aktres na si Lani Mercado (2nd District ng Cavite),at si Aiko Melendez naman bilang konsehal sa 5th district ng Quezon City.