Advertisers

Advertisers

Ateneo, Adamson tagumpay sa UAAP Esports NBA 2K opener

0 3

Advertisers

INUMPISAHAN ng defending champion Ateneo de Manila University na depensahan ang kanilang titulo sa pamamagitan ng 2-1 wagi laban sa De La Salle University Martes ng gabi sa UAAP Esports NBA 2K tournament sa Quantum Skyview Deck, Gateway 2 Mall sa Quezon City.

Nakamit ng Blue Eagles ang panalo matapos talunin ni Paolo Medina’s Boston Celtics si Keagan Yap’s Oklahoma City Thunder, 71-64, sa Game 3 ng best-of-three series.

Nagrally ang Thunder mula sa 32-43 para itabla ang iskor sa 50-all patungo sa fourth quarter. Pero na outscored sila ng Celtics, 21-14 para magwagi.



“Well, I was confident before the game because the preparation we did, we prepared for La Salle because we knew they were still the opponent this year,” Wika ni Blue Eagles head coach Nite Alparas.

Sa umaga, tinalo ng Adamson University ang National University,2-1.

Joaquin Obado’s Boston Celtics dinaig si Dominic Peñaflorida’s OKC Thunder, 55-50, sa Game 1.

Naipantay ng NU sa 1-1 sa tulong ni Jarrel Allaga, gamit rin ang Celtics, napuruhan si Joshua Advincula’s Thunder, 57-39, sa Game 2.

Muling nagtagpo sina Obando at Peñaflorida sa Game 3, na umabante ang Celtics sa 83-80 overtime win.



Samantala, Winalis ng University of the Philippines at University of Santo Tomas ang kanilang kanya-kanyang kalabang grupo para makamit ang No. 1 spot na may tig-3-points.

UP’s Harvey Buban nagwagi sa Game 1 (45-40) at Isaac Javier nagtagumpay sa Game 2 (69-55) laban sa kanilang karibal mula sa Far Eastern University.