Advertisers

Advertisers

EL PRESIDENTE CUP2 NI RAMON FERNANDEZ, ABANGAN!

0 3

Advertisers

KAABANG- ABANG ang 2ND EL PRESIDENTE CUP ni PHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) Commissioner RAMON ‘EL PRESIDENTE’ S. FERNANDEZ, na gaganapin sa June 13, 2025 sa Manila Southwoods Golf and Country Club.

Isa itong proyekto ng RAMON S. FERNANDEZ SPORTS and YOUTH DEVELOPMENT FOUNDATION. Ang gaganaping Charity Golf Tournament ay isang competition for a cause na tumutulong sa poor but gifted young athletes, in particular.

Ilan sa mahuhusay at kilalang music icons ang magpapasigla thru live performance para sa isang friendly competition. Ang musikahan portion ay tatampukan ng golf lovers topped by DINGDONG AVANZADO, SIDE A , ELLA MAY SAISON at CHAD BORJA.



Naghihintay sa lucky winners ang naglalakihan at bonggang mga papremyo tulad ng Mitsubishi Mirage, Jetour Ice Cream Car, Php100k Cash, o 5-Star Ball escape. Maybraffle prizes na motorcycle, iPhinef 16, Golf gear, TW Steel watches, round trip tickets via Manila-San Francisco-Manila, luggages, J. Lindeberg golf items, .resort staycation, local at abroad.

Para sa interested parties, pwede po kayong makipag-ugnayan sa 0955-025-8552 o 0905–336-5508. Hurry up, limited lang po ito sa 144 slots!

Maraming salamat po sa ating legendary cagers and icons na naglalatag ng kapaki-pakinabanag na Sports projects tulad ng handog ni ‘EL PRESIDENTE’ RAMON FERNANDEZ, isa sa top PBA GREATS na hinubog ng top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA). Salute sa lahat ng Atletang Pinoy!

MARK LAPID AC CUP, HUMIHIRIT DIN!
HUMIHIRIT ang MARK LAPID ANGELES CITY BASKETBALL LEAGUE na nagtataguyod sa Inter-Barangay Basketball Tournament mula sa 33 barangay ng Angeles City. Ang liga ay suportado at handog nina Senator LITO LAPID, MARK LAPID at JON LAZATIN.

Sa ganito pong Grassroot Sports hinuhubog at pinalalakas ang bagong sibol na young cagers para mayroon tayong pool of basketball players na pinagmumulan ng sikat at professional basketeers ng bansa, hopefully. Kudos!



ORANI MULTI-PURPOSE
GYM, LABAN PA MORE!
SO AMUSING ang ipinakikitang sigla ng Sports sa iba’t ibang gymnasium sa bansa, patunay ng patuloy na paglago ng numero unong Sport natin na basketbol. Namamayagpag din ang ORANI MULTI-PURPOSE GYM sa Orani, Bataan. Recently, nagharap sa isang exhibition game dito ang NCAA 99 Champion LETRAN MANILA SQUIRES at ang ORANI INTERTOWN TEAM, handog naman nina SK President STEPHEN ROMAN EUGENIOWEWE MEDINA.

Well, just watch out! Who knows, baka may sisikat na player mula rito..kaya nga, laban pa more! Inspiring na pag sumikat, pwedeng maging celebrity-politician tulad ng winners ulit na sina Mayor VERGEL MENESES ng Bulacan, Vice Mayor DODOT JAWORSKI ng Pasig, Councilors JAMES YAP at DON ALLADO ng San Juan plus QC Rep. FRANZ PUMAREN, to name a few. Congrats! A lot more next issue.