Advertisers

Advertisers

Jeric bet maging PBB housemate

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TINANONG namin si Jeric Gonzales kung ano ang masasabi niya na lalong nagiging solid ang collaboration ng GMA at ABS-CBN.

Tulad na lamang ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition kung saan pinagsama-sama ang mga Kapuso at Kapamilya na hosts at housemates.



Lahad niya, “Masaya, masayang-masaya po.

“Ang sarap sa pakiramdam kasi makikita natin na nagko-collab na yung mga artists natin. Like ito, may PBB sa GMA.”

Given a chance ay nais pala ni Jeric na maging housemate sana.

“Iyon nga, sana palarin,” bulalas niya. “Gusto ko nga ring pumasok sa PBB. Yes, oo kasi dream ko din yan e, kasi masaya e, masaya, mukhang masaya.

“Tsaka siyempre, challenge din na marami kayong iba-ibang character, iba-ibang ugali, di ba?



“So mate-test ko rin talaga yung ano ko, kung anong character ko doon.”

Hindi ba siya pinag-audition sa PBB?

“Hindi po, e.”

Produkto si Jeric ng reality show, ang Protégé: The Battle for the Big Artista Break na umere sa GMA noong 2012 kung saan sila ni Thea Tolentino ang nagwagi.

“Very similar din dito [sa PBB] kasi ganoon din yung setup, parang ano kami sa bahay.”

Bongga nga sana kung nag-PBB rin siya?

“Malay po natin, tsaka ngayon po umeere pa naman, so why not? Malay natin,” nakangiting tinuran pa ni Jeric.

Kapag may mga lumilipat na artista sa GMA galing ABS, ano ang nararamdaman niya? Hindi ba siya nag-worry or nate-threaten?

Lahad niya, “Somehow may konting threatened kasi alam naman natin maraming artista at maraming… yung maraming artista, pero yung character, minsan yung role na hinihingi, konti lang.

“Ayun, medyo malilimitahan yung chance mo na mapunta sa iyo, pero at the same time, I’m happy kasi yun nga, collaborative na and then, malay niyo ako din sa kabila, kahit ako sa Star Cinema, may film, ganyan, Star Cinema, GMA Films. Sana po.”

Kapag dumadami ang artista sa GMA, natsa-challenge ba si Jeric na mas galingan niya pa ang pag-arte?

“Tama, tama. Tama po yan,” bulalas ni Jeric. “Challenging kapag may bagong artista sa GMA kasi you have to… kailangan mong mag-standout, standout ka, reinvent yourself.

“Like ako, ito po, nagpapayat ako, nagpapogi ulit ako. “Then… workshop, ganyan. Then… ayun po, kailangan, kailangan talaga.”

Para maiba naman, tinanong namin si Jeric, ano ang isinasagot niya kapag may nagtatanong sa kanya tungkol sa lovelife niya?

“No comment po.”

Pang-anim na pelikula na ni Jeric ang “Fatherland”; ang lima pa niyang nagawa na ay ang “Hustisya” at “Dementia” (2014), “Imagine You & Me” (2016), “Kiko En Lala” (2019) at “Broken Blooms” (2022) kung saan nanalo siya ng mga acting awards.

Sa telebisyon naman ay huli siyang napanood sa Widows’ War (2024) nina Bea Alonzo at Carla Abellana sa GMA.

Sa “Fatherland” ay unang beses siyang gumanap bilang kontrabida.

Sino ang mga nakaeksena niya sa “Fatherland”?

“Si Allen Dizon, si Jim Pebangco, si Max Eigenmann.”

Sa direksyon ni Joel Lamangan kasali rin sa cast sina Richard Yap, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Kazel Kinouchi, Ara Davao, Rico Barrera, Abed Green, at Angel Aquino.

Mula sa produksyon ng BenTria Productions ni Benjamin Austria at Heaven’s Best Entertainment.

Ano ang next movie niya?

“The Graduation Day.”

Bida si Jeric sa naturang pelikula kung saan gaganap na lola niya si Elizabeth Oropesa.

Pang-award ba ulit ito?

“Naku! Sana po. Sana po kasi maganda po yung istorya nito, heavy drama and inspirational. It’s about lola and apo na story.”