Advertisers

Advertisers

Khalil nabalewala ang boto

0 3

Advertisers

Ni Archie Liao

NAGBAHAGI si Khalil Ramos hinggil sa kanyang naging karanasan sa nakaraang 2025 national elections.

Isa kasi ang Kapuso actor sa mga unang pumila sa presinto to cast his votes.



Sa kanyang mensahe sa X social media platform, nagbigay siya ng paalala na maging maingat sa pag-shade sa balota.

Sa sobra raw kasing diin ng kanyang pag-shade, tumagos daw ang ink ng kanyang pen sa likod ng kanyang balota kaya nabalewala o na-invalidate ang boto niya sa party list na nasa second page.

Tweet niya:”Be extra careful when shading your ballots. I pressed a bit too hard on the first page, and it left marks on the back, right where the partylist section was. Sadly, my partylist vote was invalidated due to “overvoting.” Don’t make the same mistake. #Halalan2025″

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang tweet.

Ito ang ilang reaksyon ng netizens.



“allow for the ink to dry before turning over the ballot to shade for partylist. Nagsmear on various sections yung ink sa front page ng ballot ko. Buti nlang, walang mga “bilog” na na-shade apart from my picks. Nabasa pa din naman balota ko.”
“Omg this happened to me too! Huhu”
“don’t press too much when shading pls ??”