Advertisers
NASUNGKIT ng Zamboangueña Kristel Macrohon ang tatlong tansong medalya sa women’s 71 kg category Martes matapos ang kampanya ng Pilipinas sa Asian Weightlifting Championships sa Husnan Sports Park sa Zhejiang, China.
Macrohon, ang 2019 Manila Southeast Games gold medalist, nabuhat ang 105 kg (snatch) at 131 kg (clean and jerk) para sa kabuoang 236 kg para magtapos third sa likuran ni Korean Song Kuk Hyang at Chinese Yang Quixia.
Song nakupo ang ginto sa snatch (121 kg) at nagtala ng World at Asian rekords sa clean and jerk (155 kg) at total (276 kg).
Yang nagrehistro ng World at Asian records sa snatch (122 kg). nabuhat niya ang 122 kg sa clean and jerk para sa kabuoang 262 kg.
“First of all, I would like to thank God for giving me the strength and courage to have a successful game. Also to sir Monico Puentevella (Samahang Weightlifting ng Pilipinas president) for believing in me and giving me a chance to compete and to my coaches and teammates,” nakapaskil sa Facebook.
Bukod sa three bronzes, naguwi rin ang Pilipinas ng pitong silver medals — tig-3 mula sa Cebuano Elreen Ann Ando (women’s 64 kg) at Zamboangueña Rosegie Ramos (women’s 49 kg), at isa mula sa Cebuano Fernando Agad Jr. (men’s 55 kg).