Advertisers

Advertisers

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

0 8

Advertisers

Nakatataba sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at Vice Mayor Gian Sotto, ang ipinamalas na pagtitiwala at pagmamahal sa kanila ng milyong QCitizens sa katatapos na halalan.

Paano ba naman, sinuklian ng QCitizen ng kanilang pagpapasalamat si Mayor Joy B sa pamamagitan ng 1,030,730 boto dahil sa mga nagawa niya sa lungsod simula nang maupong alkalde.

Iba’t ibang programa at proyekto – pang-edukasyon, pangkalusugana, pabahay at etc pa, ang ginawa ng alkalde sa lungsod kung saan ang tanging mga nakinabang ay ang QCitizen.



Hayun, dahil sa mga matagumpay na proyekto at programa ng alkalde, nakalikom ito ng higit 1 milyong boto. Nakapagtala ang alkalde ng “history” sa lungsod pagdating sa botohan dahil natatanging si Mayor Joy B palang ang elected mayor sa lungsod ang nakakuha ng mahigit sa isang milyong boto.

Well, sa ayaw at sa gusto naman ng QCitizen, ito ang pinal at ikatlong termino ni Mayor Joy para paglingkuran sila bilang alkalde. Pero huwag mag-alala my dear QCitizen, maaari naman bumalik si Mayor Joy sa pagka-alkalde sa mga susunod pang taon at inaasahan namang magpapatuloy ang kanyang serbisyo sa inaasahang susunod niyang posisyon – Congresswoman. Iyong nga lang, limitado dahil sa isang distrito na lamang ang kanyang masasakupan.

Tiniyak ng alkalde na sa kanyang pinal na termino ay gagawin niyang mas makahulugan ito para sa QCitizen..

“I assure every QCitizen that the next three years will be the best of my life as a public servant,” pahayag ni Mayor Joy matapos ang kanyang landslide victory sa 2025 mayoral race. “I will give everything I’ve got—my energy, my passion, my dedication—to fulfill the dreams of our people for a better, more inclusive, and more progressive Quezon City.”

Nagpasalamat din ang alkalde sa Panginoong Diyos.



Samantala, si QC Vice Mayor Gian Sotto naman ay nakakuha din ng botong 938,686. Patunay din ito ng pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng QCitizen. Tulad ni Mayor Joy, sinuklian din si VM Gian ng pagmamahal ang kanyang mga matagumpay na programa at proyekto kung saan ang naging benepisaryo ay ang QCitizen.

History din in the making si VM Sotto para sa halalan ng lokal na pamahalaan matapos na makakalap ng halos isang milyong boto.

Ibig sabihin, magpapatuloy ang susunod na alkalde ng lungsod sa paglilingkod kahit na ito na ang kanyang pinal na termino sa pagka-bise alkalde kung saan naman ay maaari niyang ipagpatuloy ang lahat (programa at proyekto) niya sa susunod niyang posisyon – alkalde. Hoping for God’s will for 2028 election.

Sa pagkapanalo uli ni VM Sotto, siya’y lubos na nagpapasalamat sa QCitizen sa pagtitiwala sa kanya at higit sa lahat ay nagpapasalamat siya sa Panginoong Diyos.

“Sa Diyos ang pag-asa. Maraming salamat po, QCitizen. Lord, I hacve no idea about your plans but I trust you with all my heart. Lord let your will be done,” isa sa pagpupuri ni VM Gian sa Panginoong Diyos ( hango sa official FB ni VM Sotto).

Sa pagkapanalo nina Mayor Joy at VM Gian, tiniyak ng dalawang lider na pagpapatuloy ang kanilang liderato at adbokasiya sa good governance o tamang pamamahala para mas mapaangat pa ang budget ng lungsod, at mapalawak ang paghahatid ng serbisyo sa milyong QCitizen.

Congratulations Mayor Joy at VM Gian.

To God be the glory.