Advertisers
WALANG pakialam ang Senado sa binubuong House prosecution panel sa nakatakdang impeachment trial laban kay Vice President Rody Duterte.
Ito ang inanunsyo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa press briefing ng Senado nitong Huwebes, Mayo 15, tungkol sa pagpili ng mga miyembro ng House prosecution panel na maglilitis kay Vice President Sara Duterte sa Impeachment Trial na sisimulan sa Hulyo 31.
“Wala kaming say diyan at hindi ko kokomentaryohan kung tama, mali, maganda o panget ‘yan,” paliwanag ni Escudero.
Inanunsiyo naman nina dating Senador Leila De Lima at Atty. Chel Diokno na inimbitahan sila ng Kamara upang maging bahagi ng House prosecution panel para sa impeachment trial vs VP Sara.
“The speaker has invited me to serve on the prosecution panel for the upcoming impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte. I have accepted,” saad ni De Lima, first nominee ng Mamamayang Liberal (ML) party-list.
Inihayag naman ng Akbayan party-list ang kanilang pagkumpirma sa pagsali ng kanilang first nominee na si Atty. Diokno sa prosecution panel, “We extend our full support to this historic process of accountability.”
Matapang namang inanunsyo kamakailan ni VP Sara na nakahanda siyang harapin ang Impeachment Trial, na ang mga magsisilbing Judges ay mga senador.
***
Sinasabing ang impeachment ay numbers game lamamg. At kung numero nga ang pagbabasehan, talo na sa kaso si VP Sara. Dahil sa aking bilang ay nasa 15 ang senador na maaring bomoto ng laban sa kanya, kabilang na rito ang dalawang bagong elected senators sa nakalipas na halalal na sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Oo! Lamang na lamang sa bilang ang adminstration senators at orig opposition senators.
Sa tantiya ko ay siyam lamang ang senador na kakampi kay VP Sara. Ito’y ang magkapatid na Villar (Mark at ang bagong halal na si Camille), magkapatid na Cayetano (Alan at reelected na si Pia), reelected senators Bong Go,Bato dela Rosa at Imee Marcos, Robin Padilla at ang bagong elect na si Rodante Coleta.
Anyway, maari pang mabago ang mga bilang na ito, depende sa magiging resulta ng gapangan bago ang Impeachment Trial.
Subaybayan!