Advertisers

Advertisers

VIVAMAX ARTIST NA SI KAREN LOPEZ MISSING PA RIN

0 25

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

MAGDA-DALAWANG linggo nang missing ang Vivamax Artist na si Karen Lopez. Unang nabalita ang kanyang pagkawala nang mag post ang kanyang manager na si Lito de Guzman kung nasaan na ito dahil kailangan na siya sa shooting ng isang pelikula na isa siya sa cast.

Clueless ang manager pati na ang mga kaanak at kakilala ng sexy star dahil naka off ang kanyang social media accounts at di rin nagri ring kapag tinatawagan ang kanyang cellphone.



Ma-social media si Karen, kapag walang shooting ay ang paggawa ng Tiktok videos ang kanyang hilig kaya imposibleng basta na lang siya magpapatay ng kanyang social media accounts.

Naipa blotter na sa pulisya ang pagkawala ni Karen.

“Di baleng di na siya sumipot sa shooting, magagawan namin yun ng paraan, ang ipinagdarasal ko, sana buhay pa siya,”sambit ng kanyang manager na alalang-alala na ngayon.

Naku Karen, nasaan ka.man ngayon, sana safe ka.

Jawsko Madam Bless, bigla ko tuloy naalala many years ago nang mawala ang miyembro ng Baywalk Bodies na si Rejoice Rivera. Ganito rin ang scenario,, nawawala rin siya nang ilang araw at yun, natagpuan na lang ito malapit sa Tabang Exit na wala ng buhay.



Kaya Karen, magparamdam ka sa iyong manager, bago kung anu ano pa ang maiisip namin.

Ang pelikulang sino shoot ngayon na kasama si Karen ay ang Jackstone 5 kasama sina Eric Quizon, Gardo Versoza etc sa direksyon ni Joel Lamangan.Isa itong comedy film.

Samantala, huling napanood si Karen sa pelikulang Habal with Jhon Mark Marcia na ipinalabas sa Vivamax last.month.

***
KEANNA REEVES PINATAYUAN NG NEGOSYO ANG DYOWANG BAGETS

THERE are many reasons kung bakit blooming ngayon si Keanna Reeves. Unang-una, ang gwapo ng kanyang bagong boyfriend na bagets na grand winner ng Mr. Laguna na si Bryan Scott Lomboy.

Pangalawa, maganda ang pasok ng pera ngayon kay Keanna, mukhang swerte sa kanya si Bryan . Mahilig magluto si Bryan kaya pinatayuan niya ito ng Resto Cafe na kanyang tinawag na Celeb Cafe na matatagpuan sa 68 Roces sa Roces Avenue.

Napuntahan ko ang Cafe ng mag magdyowa noong isang gabi, maganda ang location at dinarayo na rin ito.

Ang sabi ko kay Keanna, puwede na ba kayong isulat dalawa? “Oo puwede na, out na kami,” sagot ni Keanna. OUT meaning lantaran na ang kanilang pag iibigan at di na nila ito itinatago.

Sa tingin ko, love na love din ni Bryan si Keanna. Kahit isang sakong asin pa ang isaboy sa kanya , walang magbabago hahahaha!