Advertisers

Advertisers

Apelyido ng mga senador, kongresista at artista lumutang sa confi funds ng OVP

0 4,255

Advertisers

GRABE nang kawalanghiyaan ito, kung totoo man ito.

Mantakin mong lumutang din ang apelyido ng mga senador, kongresista at artista sa mga dinalayuan ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) ni Sara Duterte.

Sa patuloy na pagbubusisi ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega sa pinaggastusan sa ng confi funds ng OVP, ibinunyag niya nitong Huwebes ang mga kakaibang pangalan na nakalista bilang mga benepisyaryo ng naturang public fund. Kabilang rito ang apelyido ng mga senador: Beth Revilla, Janice Marie Revilla, Dianne Maple Lapid, John A. lapid Jr., Clarisse Hontiveros, Kristine Applegate Estrada at Denise Tanya Escudero.



Natuklasan din sa listahan ng OVP beneficiaries ang pangalan ni Partylist Congressman-elect Chel Diokno at ng actress na si Marian Rivera.

Nauna nang nabunyag ang mga multong pangalan na hindi nakatala sa Philippine Statistics Office (PSA), hindi ipinanganak, hindi ikinasak at hindi namatay.



Nabuking din ang brand ng tsitsirya at kompanya ng sikat na bakeshop.

Ang mga bagay na ito ay natuklasan ng House Quad Committee sa pagbusisi sa umano’y maling paggamit sa multi-million pesos confi funds ng OVP partikular ang nawaldas sa loob ng 11 days na P125 million noong 2022.



Ang mga isyung ito hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ni VP Sara, patuloy niyang iniwasan ang mga tanong hinggil dito, at nagga-galit-galitan pag kinulit ng media at ng mga mababatas.

Ang bagay na ito ang pangunahing rason kaya na-impeach sa House si VP Sara. At ito ang siguradong tatalakayin sa Impeachment Trial sa Senate Impeachment Court na sisimulan sa Hulyo 31 ng taon.

Maliban dito, posible ring mabuksan sa Impeachment Trial ang umano’y bilyones na pera ng pamilya Duterte sa mga bangko, na ibinunyag na noon ni dating Senador Antonio Trillanes.

Pero sabi ng nagretirong politiko na si ex-Senator Frank Drilon, sa takbo ng mga pangyayari ngayon after ng midterm election, malabo nang mapatalsik o ma-impeach si VP Sara. Dahil wala raw numero ang mga Senador at walang suporta si Pangulong Bongbong Marcos para maalis sa puwesto ang pangalawang pangulo.

Sa aking bilang, ang mga tiyak na magdedepensa kay VP Sara para ‘di mapatalsik ay sina Senador Bong Go, Bato dela Rosa, Robinhood Padilla, mag-utol na Mark at Camille Villar, mag-utol na Allan at Pia Cayetano, Rodante Marcoleta at Imee Marcos.

Samantalang 50/50 itong mag-utol na Raffy at Erwin Tulfo, mag-utol na JV at Jinggoy Estrada, dabarkads na Tito Sotto at Ping Lacson.

Di rin tayo nakatitiyak kina Senate President Chiz Escudero, at mga balimbing na sina Joel Villanueva, Win Gatchalian, Lito Lapid, Migz Zubiri at Loren Legarda.

Ang sigurado na gigisa at magdidiin kay VP Sara ay sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino at Risa Hontiveros.

Anyway, ang magiging pangunahing basehan sa pagpatalsik at pagpanatili kay VP Sara sa puwesto ay ang 2028 presidential. You know!!!

Abangan!