Advertisers

Advertisers

Brgy. Certification ‘di na requirement sa voter registration

0 14

Advertisers

INANUNSYO ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na hindi na kailangan ang barangay certifications bilang isa sa requirements para sa voters’ registration at dalawang watchers lang ang kailangan kada presinto.

Sa kanyang muling pag-gueat sa monthly ‘Balitaan’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant, Ermita, sinabi ni Garcia na sinamahan ni Atty. John Rex Laudiangco, spokesperson ng ahensya na ang mga barangay certificates ay ginamit bilang ‘bala’ ng mga tiwaling indibidwal para magkaroon ng mga flying voters. Sinabi pa nito na may mga pagkakataon na na mayroong mula 9,000 hanggang 30,000 botante na nagpalipat mula sa isang barangay patungo sa bagong barangay na kagagawan ng mga tiwaling indibidwal at opisyal.

“Para maiwasan na yan, we are removing barangay certificates as part of the requirements. Meron naman postal ID, senior citizen ID or student ID,” pahayag ni Garcia base na rin sa mga ulat na may mga barangay na ‘di na naniningil ng bayad sa pagbibigay ng barangay certification, kaya naman mas lalong kaduda-duda ito.

Sa bagong ruling ng COMELEC, ‘di na tinatanggap ang barangay certificates bilang requirement sa nakatakdang voters’ registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gagawin mula July 1 hanggang July 11, 2025 at ang planong registration bilang paghahanda sa 2028 Presidential polls ay magaganap sa buong taon ng 2026.

Inaasahan naman ni Garcia na magkakaroon ng karagdagang tatlong milyong voter-registrants para sa 2028 elections kung saan lolobo sa 71 million ang kabuuang bilang ng mga botante para sa nasabing eleksyon. Samantala sa katatapos na eleksyon ang bilang ng mga botante ay 68 million.

Samantala, sinabi ni Garcia na handa naman ang COMELEC sakaling mayroong hahamon sa bago nilang ruling tungkol sa barangay certifications. Handa umano ang Comelec humarap sa Korte Suprema sakaling may kwekwestyon sa kanilang bagong ruling.

Samantala, nilinaw ni Garcia na dahil sa mga congested precincts tuwing araw ng eleksyon, isang watcher per candidate lang ang papayagan.

“‘Yung mga watcher-watcheran na naka-t-shirt na minsan 50 or 100 sa isang presinto, ‘yan po ay meron kaming presumption ng vote-buying sana po makarating sa amin ang mga reklamong para makasuhan ang mga nag-hire,” saad pa ni Garcia at binigyang diin na may 200 precincts, at ang bilang ng mga watchers ay dapat na 400 lang.

“Fair warning sa lahat. Ito po ay presumption ng vote-buying pag kumuha ng watchers na sobra sa bilang ng presinto ang mismong kandidato para sa araw ng eleksyon… ipe-presume namin ang kandidato na engaged sa vote-buying,” dagdag pa nito at sinabing ang sobrang bilang ng watchers na makikitang pakalat-kalat bilang mga ‘bulong brigade’ o secret campaigning.

Ipinaliwanag din ni Garcia na di tulad ng national at local elections kung saan ang mga kandidato ay itinuturing na kandidato sa simula ng camapaign period, ang mga candidates sa BSKE elections ay considered candidates na sa simulang maghain na sila ng kanilang certificates of candidacy (COCs) at maaaring kasuhan ng premature campaigning kapag nangampanya matapos na maghain ng kanilang COC . (ANDI GARCIA)