Advertisers

Advertisers

KOREANO NABUKING SA TANGKANG PAGPUSLIT NG ILIGAL NA DROGA SA NAIA TERMINAL 1

0 13

Advertisers

ISANG 63-anyos na Korean national ang inaresto mula sa isang coordinated effort sa pagitan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), NAIA PDEA Drug Interdiction Task Group at Office for Transportation Security, dahil sa umano’y pagtatangkang maghatid ng hinihinalang iligal na droga sa NAIA Terminal 1 noong gabi ng Mayo 26, 2025.

Sa ulat ng pulisya, habang nagsasagawa ng routine screening sa Central Security Screening Checkpoint ng nasabing terminal, napansin ng isang OTS X-ray operator ang hindi pangkaraniwang imahe sa loob ng bag ng suspek. Ang manu-manong inspeksyon ay humantong sa pagkadiskubre ng tatlong lighter na kulay itim, dalawang piraso ng aluminum foil (pinaghihinalaang drug paraphernalia) at isang plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PNP AVSEGROUP ng NAIA Police Station 1 at nakipag-ugnayan sa mga miyembro ng NAIA-PDEA Drug Interdiction Task Group (DITG). Kinumpirma ng isang chemical field analysis gamit ang Rigaku Raman Analyzer na ang suspek ay mayroong itinatagong Methamphetamine Hydrochloride, na kilala rin bilang “Shabu” sa loob ng kanyang bag.

Bukod pa rito, ang K9 paneling at masusing pagsusuri ay nagbunga ng higit o kulang 5 gramo ng illegal substance, na may karaniwang halaga ng droga na Php34,000.00.

Itinurn-over ang suspek sa PDEA Headquarters para sa detensyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Section 26 in relation to Section 5, Article 2 of R.A. 9165 (Tinangkaing Transportasyon ng Mapanganib na Gamot).

Binigyang-diin ni PBGen Christopher M Abecia, Direktor ng PNP AVSEGROUP, “Ang paglaban sa ilegal na droga ay isang pananagutan sa batas. (JOJO SADIWA)