Advertisers
NI TIMMY BASIL
ANG mga netizens talaga, ang hirap espelingin. Noong araw na lumba lumba pa si Sharon Cuneta, panay ang bash sa kanya na mataba, baboy , etc.
Yun nga ang nag trigger Kay Sharon para magpapayat.
Baka Akala nyo ganun lang ka simple ang pagpayat ni Sharon. She was literally under the knife. Pinakita ni Sharon na panay tahi at keloids ang kanyang braso dahil winarak yun saka tinahi para lumiit at para hindi lumawlaw. Bukod dito, marami pang procedures ang ginawa Kay Sharon para ma achieve niya ang kasalukuyang figure.
Malaking achievement ito para kay Sharon kaya wala siyang ginagawa kundi I flaunt ang kanyang new body sa social media at sa mga showbiz functions na pinupuntahan.
And now, heto na naman ang kanyang mga bashers. Hindi raw BAGAY Kay Shawie ang PAYAT, parang natutuyot daw ang beauty neto, mas okey pa raw noong mataba siya, fresh na tingnan.
Hay naku Shawie, wag mo na silang pakikinggan. Ano man ang size mo, may masasabi talaga ang mga iyan, kaya nga sila bashers.
Basta ang alam ko, happy si Sharon sa kanyang pagiging sexy ngayon at isa pa happy din siya sa pagkapanalo ng hubby niyang si Kiko Pangilinan bilang senator.
***
JHEN BOLES MARAMING PASABOG NANG MAG GUEST SA SHOW NI MARC LOGAN
PANALO ang guesting ng tinaguriang Live Selling Superstar na si Jhen Boles sa show ni Marc LOGAN kasama ang 2 female djs na sina Gabby and Janelle sa DWAN a few days ago. Paano ba naman kasi, lahat na yata ng natutunang authentication sa Malaysia at Singapore kung saan di biro ang tuition eh sa loob lang ng isang oras ay ibinahagi na niya sa nasabing program na kung tutuusin ay hindi naman dapat.
Pero gusto lang ni Dr. Jhen Boles (yes, nag tapos siya ng Dr. of Humanities ) na nakatulong sa mga taong hanggang ngayon ay napepeke pa rin sa bag.
Ayon Kay Jhen, dalawang klase lang yan, original at peke. Kahit sabihing Class A, AAA at kung ano pang katawagan, peke pa rin yun anya.
Lumalaki na ang family ng Tres Chic Luxury Original sellers na mga artista . Bukod kina Rainier Castillo, Dexter Doria, Patricia Ismael, Patani, Asher Diaz, Toni Co, nagla live na rin ngayon si Cogie Domingo, si Polo Ravales at kanyang wife.