Advertisers

Advertisers

EFREN ‘BATA’ REYES, WORLD BILLIARDS GOAT NA

0 10

Advertisers

KUNG gaano kababa ang loob ni Pinoy Billiards King aka ‘The Magician” EFREN “Bata” REYES, mas mataas ang pagkilala bilang pambato sa mundo ng Sports World.

Kamakailan lang pinarangalan si EFREN “BATA” REYES bilang “The GREATEST POOL PLAYER OF ALL TIME” o “#1 OF ALL TIME” ng MSN USA 2025. Mukhang marami pang darating kasunod ng mga naisubi niyang pagkilala kabilang ang: 1999 WPA World Nine-Ball Championship, Four-Time World Eight-Ball Championship, TIME MAGAZINE 60 Asian Heroes 2006, US Billiards Media Association “Player of the Decade”, 2000’s – 2010, Asian Culture Day Lifetime Achievement Award, 2018, Seven (7)-time money leader in Pool 1995 & 2006, Highest Earning by a Pool player in a single season 2006 @ $645, 000, on top of the long list.

At age 70, low key ang image ng ‘The MAGICIAN’, handang ibahagi sa young enthusiasts ang kanyang kaalaman, na ayon sa kanya, ay hindi mahika, kundi isang tuklas na daan sa pagtumbok sa bola na hindi pa nakikita ng iba. Kaya rin niyang magpatalo sa isang bagong sibol, para magpalakas ng confidence ng Pool player. Kung panonoorin ang mga pambihirang tira ni ‘BATA” mula sa simpleng galawan, nakamamangha naman talaga kaya deserve niyang kilalanin bilang “The GREATEST PLAYER OF ALL TIME (GOAT)” ng Pinas, walang kupas, walang pagbabago mula sa isang batang Mexico sa Pampanga, natutulog at halos nakatira sa mga lumang bilyaran, salat sa masaganang laman ng sikmura na halos bola at tako ng bilyar ang kahulugan ng buhay sa maghapon. Saludo sa inspirasyon ng lahat sa Pambansang Palakasan!



SIDELIGHTS: VIVA ARTISTA
ACADEMY, HIHIRIT sa TV5
BILANG kakambal ng Sports sa usapang sikat at huwaran, hihirit naman sa TV5 ang ARTISTA ACADEMY ng VIVA ENTERTAINMENT, isa sa top multimedia companies sa bansa, para tumuklas at magtanghal ng mga talento sa musika, pag-arte at iba pang kakayahang aakit sa masa. Chika sa amin ito ni katotong Showbiz mentor JOHN REY MALTO, talent scout/supervisor ng big projects for game shows.

Attention sa mga may malaking pangarap, heto po ang lead, si JOHN REY MALTO na naging service crew sa JOLLIBEE, MCDO, CHOWKING at 7-ELEVEN during his school days hanggang makatapos ng Bachelor of Arts sa Don Mariano Marcos Memorial State University, kumuha ng iba-iba pang short term courses including Photography at nagsimulang TV researcher, writer at talent coordinator hanggang maging multi-awarded with: 2021 Golden Star Award, 2022 Most Outstanding and Inspiring Talent Manager of the Year, 2023 Asia’s Most Outstanding Talent Manager of the Year. Follow him with JOYCE ESPINOZA, singing his composition ‘PANGAKO MO’, gaining 1.2 M views in FB, with Silver Medal, Orig Score/Soundtrack for Film & Television (Global Music Awards 2024, Best Musical (Europe Music Video Awards 2024, Best Asian Music (Parai Musical Intl Awards 2024), Best Asian Song in Southeast Asia (World Music & Independent Film Festival 2024)..and follow your own dreams. Good luck!