Advertisers

Advertisers

10 PINOYS NAGBAYAD NG RANSOM PARA MAKALAYA

0 16

Advertisers

Sampung Filipino trafficking victims ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong September 7, matapos ma-repatriate mula Cambodia, kung saan sila ay sapilitang pinagtrabaho sa isang iligal scam hub.

Ayon sa ulat ni Bureau of Immigration’s (BI) Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) chief Mary Jane Hizon, dumating ang mga biktima mula Phnom Penh, Cambodia na may edad mula 20s hanggang 65.

Anang mga biktima, sila ay inengganyong umalis ng bansa ng mga traffickers na nakilala nila online sa iba’t-ibang petsa. Walo sa kanila ay nagpanggap na turista habang dalawa naman ay umalis bilang overseas workers subalit pawang niloko ng kanilang recruiter.

Pagdating sa Cambodia, kinumpiska umano ng kanilang banyagang employer ang kanilang passports at piniit silang magtrabaho bilang online scammers sa “romance and investment fraud schemes.”

Pinagbayad din umano ang mga biktima ng USD 6,000 hanggang $,800 sa pagtangging sumali sa scam operations. Brutal din umano ang working conditions at tino-torture sila kapag bigong ma-meet ang daily quotas, kinukulong sa compound o pinatatayo ng 15 oras nang walang pahinga.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang Philippine Embassy sa Cambodia ay agad na umaksyon pagkatanggap ng hiling ng mga biktima ng tulong para sa kanilang agarang pagbalik sa Pilipinas.

“After completing immigration procedures, the victims were provided post-care services by the Department of Social Welfare and Development (DSWD). They were then endorsed to the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) for assistance in filing legal cases against their recruiters,” ani Sandoval. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)