Advertisers

Advertisers

NAMUMULAT ANG KABATAAN

0 17

Advertisers

Walang mapaglagyan ang salaping umaapaw sa lukbutan ng mga kinatawang bayan na dala ng baha mula sa mga multong proyekto na ‘di makita. Kaliwa’t kanan ang pag-uusisa sa salang gawa sa ‘di masilip na mga proyekto na tuwirang nagpapababa sa moralidad dahil sa kasakiman ng iilang halal ng bayan. At ngayo’y nagbabangayan ang mga mambabatas dahil sa takipan sa salang gawa ng mga kasama at ng mga dating opisyal na kinabibilangan ng bugok na iilan. Sa pag-aalitan ng mga kinatawang bayan, silip ang pansariling layon at ‘di para sa bayan at mamamayan. Sariling lakad ang inihahakbang ng mga mambabatas subalit pansin ang galaw ng sanlumikha ginamit ang rumagasang tubig baha na nagpakaba sa bayan ipabatid na labis – labis ang kasakiman ng iilan higit ang mga halal ng bayan.

Malikhain sa pagsisiwalat ng sanlumikha at ganap na katotohanan ang ipinakita na nagbunsod na galawan ni Jun Singhot. At sa pagkakabatid sa mga multong proyekto na bilyon – bilyon ang halaga na patunay na dahilan sa pagragasa ng tubig baha na nagpamaga sa lukbutan ng mga mambabatas. Sa multong proyektong ‘di nakita, kailangang may panagutin sa pagkababad ni Mang Juan sa tubig baha na dahilan sa pagkakasakit mula sa bahang rumagasa. Subalit, mapanghamon ang pahayag ng ilang kinatawang bayan na pilit na nililiko ang usapin ng korapsyon upang pagtakpan ang salang galaw ng ka-lapian. Gamit ang mga regulasyong naka-sulat silip na pilit na inililihis ang usapin ng ‘di ganap na mapag-usapan ang isyu ng bayan, ang katiwalian.

Sa una, maaring mapagtakpan ang salang gawa at ngunit ‘di mapipigil ang galaw ng sanlumikha upang mabatid ng bayan ang salang gawa ng iilan sa pamahalaan na pasanin ng bayan. Kikilos at kikilos ang sanlumikha upang mamulat ang bayan at matigil ang kabuktutan ng iilan na nagdudulot ng kapahamakan sa kanyang likha. At sa pagkakamulat ng balana sa kaganapan ng korapsyon sa pamahalaan, ang panagutin ang may sala ang siyang inaasahan. Walang batong ‘di gagalawin upang ipabatid at ‘di titigil ang bayan sa pagkilos hanggang makamtan ang katarungan sa likhang katiwalian ng ilan. Ang mapanagot ang may sala’t makamit ang katarungan sa panlulustay ng salaping bayan. At huwag limutin ang salang gawa ng nanay ni Mary Grace Piattos.

Sa totoo lang, nagsimula ang maliliit na pag-uusap sa mga umpukan ang Gen Z na paunang hakbang na pagpapadama ng tindig sa usaping bayan. Walang pormal na layon sa pag-uusap, ang mabatid ang katotohanan sa mga usaping bayan na may kinalaman sa panlulustay sa salaping dapat nagamit sa serbisyo. Walang pagnanais na magkaroon ng mga pagkilos na aantala sa kaalaman na nakukuha sa silid aralan, ngunit ang salang galaw at pahayag ng maraming bugok na mambabatas dahilan sa pagkakamulat ng Gen Z sa usaping bayan. Ang kilos na pagtatakip sa salang gawa ng mga politiko higit ang mga multong proyekto ang dahilan ng pagbaha, ang usapan sa umpukan ng Kabataan.

Ang bitbit na usapin ng bayan ang tinatalakay ng Gen Z sa mga umpukan at ang nagpagalaw sa banggit na henerasyon na suriin ang kaganapan sa bansa na tuwirang ang epekto sa kanila. Sa tulong ng ilang henerasyon tulad ng Millenials lumalalim ang usapan at usapin na nagbubuklod upang kumilos at ipabatid ang pagkadismaya ng mga Kabataan sa nagaganap sa lipunang ginagalawan. Ang pagkilos ng Kabataan ang lakas na nakikita ng bayan na mitsa sa pagbabagong inaasam na magaganap sa hanay ng mga halal ng bayan. Sa totoo lang, may mga kaganapan sa nakaraang na nagsalang sa mga nasa pwesto na mag-isip at gumalaw ayon sa ibig ng Kabataan.

Sa totoo lang, inaayunan ng ilang batang opisyal ng bayan ang mga nagaganap na pagkilos ng mga Kabataan sa mga Pamantasan at ‘di dapat balewalain. Ang naganap na pag “walk-out” ng mga Kabataan sa mga silid aralan upang ipaabot ang saloobin sa mga salang pagdinig sa mga usapin ng korapsyon ang malakas na tinig na simula ng pagkamulat ng mga Kabataan sa nagaganap sa bansa. Huwag limutin ang pagiging matikas ng Kabataan na ‘di titiklop sa mga panunupil na gagawin sa mga usaping kinakaharap ng bayan. At sa totoo pa rin, silip ang ilang grupo mula sa iba’t – ibang hanay na nagpapabatid ng kani – kanilang mensahe upang ayusin ang pamamalakad sa pamahalaan. At ito’y galing sa mga grupong dating tahimik at ngayo’y nag-iingay na tila susog sa kilos ng Kabataan.

Malinaw na tinatanawan ng mga lider bayan at ng ibang mga sektor ang pagkilos ng Kabataan na tuwirang nagpapa-abot ng mga sariling hinaing na ‘di napapaabot sa pamahalaan. Ang pagkilos na ginawa ng mga Kabataan sa mga pamantasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang simula ng mga malawakang pagkilos na inaasahan na magdadala ng pagbabago sa pamamahala. Ang ipinaabot na mensahe ng Kabataan na panagutin ang may sala sa mga katiwalian at matuwid na pamamalakad ang ‘di maaring i-tengang kawali ng nasa pamahalaan. Malinaw ang mensaheng ipinaabot ng Kabataan, ang kagalingan ng bansa ang unahin at ‘di pansarili.

Ganap ang pagkadismaya ng bayan at Kabataan sa nagaganap sa mga kapulungan ng kongreso na nagbabangayan upang manatili sa pwesto at ang pagtakpan ang mga salang gawa ng mga kalapian. Subalit, nagpapasalamat ang bayan dahil ito ang galawang nagmulat sa Kabataan na nagpa-abot sa ibig, panagutin ang may sala at unahin ang kagalingan ng bayan. Silip ang maraming grupo na umaantabay sa kilos ng Kabataan na tunay na lakas na walang bibit na kagalingan na pansarili.

Sa totoo lang, ang kilos na ginagawa ng Kabataan tulad ng pag-uumpukan at pag-usapan ang usapin ng bayan ang kilos na ‘di magagamit ng iilan na mamumuhunan para itulak ang sariling layon. Kusa ang galaw ng Kabataan na kita ang kamulatan at silip ang nais na pagbabago ‘di lang sa mga liderato ng bayan higit ang sistemang umiiral sa bansa. Para sa Kabataan panahon na iparamdam ang lakas at ipabatid ang pagbabagong ibig, lideratong tapat sa bayan at ‘di sa iilan. Iwaksi ang korapsyon unahin ang serbisyong tuloy tuloy para sa lahat.

Maraming Salamat po!!!!