Advertisers

Advertisers

POLICEWOMAN, SMUGGLER, GAMBLING OPERATOR SA LIPA CITY!

0 1,141

Advertisers

NAGMUMUKHANG inutil ang kampanya laban sa kriminalidad nina Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Marlon Rufo at Lipa City Police Chief Lt Col. Aleli Buaquen kung di masasawata ng mga ito ang mga gambling activities ng isang aktibong lady police sergeant at ng kasosyo nitong businessman na hayag ding cigarette smuggler at iba pa sa siyudad nina Executive Secretary Ralph Recto at Gov. Vilma Santos-Recto.

PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr, at NAPOLCOM Vice Chairperson Atty. Ralp Calinisan

Hindi lamang operator ng di kukulangin sa 20 sakla joints at Small Town Lottery (STL) bokies/jueteng sa Lipa City ni alyas Sgt. Michelle. Lider din ito ng mga aktibo, retiradong pulis at mga kriminal na umaaktong mga “kapustahan” (police tong collector) para sa ilang Batangas PNP official kasama na ang handler nitong isang policewoman.

Kasosyo ni alyas Sgt. Michelle sa 24/7 na pagpapatakbo ng mga sakla sa matatao at malalaking barangay sa Lipa City sina alyas Figaro at ang madayang balasador ng sakla na si alyas Aying at ng isang alyas Rosales.

Si Figaro ay kapitalista ng nabigong pagpupuslit ng mga kontrabandong sigarilyo sa Batangas City may ilang buwan na ang nakararaan, ngunit nakapagdududang hindi ito kasama sa mga kinasuhan.

Kasosyo din nina alyas Sgt. Michelle at ilang mga kapwa pulis na isang alyas Sgt. Sandoval, alyas Sgt. Ilao at Jemwel sa mga sakla operation sa mga bayan ng Nasugbu, Padre Garcia at siyudad ng Sto Tomas. May mga sakla dens sina alyas Sgt. Michelle sa Brgy. Sambat at Poblacion Padre Garcia kasosyo ang mga ilegalistang sina alyas Tisoy, Jeff, Nonit, Estole at Russel.

Hayag at garapalan din ang pasakla at bookies nina alyas Sgt. Michelle, alyas Figaro, Aying at Rosales, ngunit nakapagtatakang hindi tinitinag ang operasyon ng mga ito nina Lt Col. Buaquen at ng kanyang mga operatiba, ng mga elemento ng Batangas PNP Provincial Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office.

Maging ang mga opisyales at agent ng National Bureau of Investigation (NBI) Regional Office na may tanggapan sa Brgy. Maraouy, Lipa City ay wala ding aksyon at tila bulag laban sa mga ilegal na aktibidad nina alyas Sgt. Michelle.

Lider din si alyas Sgt. Michelle ng mga “kapustahan” na kinabibilangan ng pulis na si alyas Sgt. Sandoval, alyas Sgt. Sandoval, alyas Sgt. Ilao, Jemwel, dismissed police sergeant Adlawan at alyas Magsino. Nakasuhan si alyas Magsino nang maaaresto sa isang entrapment operation ng CIDG Camp Crame ngunit nakakabilib na muling nakabalik ito sa pangongotong.

Protektor din ang mga ito ng may 50 peryahan na sugalan (pergalan) na nagkalat sa buong lalawigan ng Batangas, ganon din ang di matibag-tibag na operasyon ng petroleum smuggling at buriki/paihi sa tabi ng Brgy. Guinhawa Elementary School sa bayan ni Tuy Mayor Jose Jeccerel Cerrado; malapit sa Red Sun Beach Resort, Brgy. Simlong, Batangas City at pasingawan ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Brgy. Malainin, sa bayan ni Ibaan Mayor Jane Casas.

May lingguhang Php 15k na tong koleksyon o intelhencia sa kada isang pergalan na karamihan pa ay front ng bentahan ng shabu ang grupo ni alyas Sgt. Michelle, tig Php 300k sa mga burikian nina alyas Medic, Egay at Kernel Lakay sa Tuy; kay alyas Balita sa Brgy. Simlong, Batangas City at kay alyas Sgt. Mercado na kilala din sa alyas na Sgt. Buny sa Ibaan.

Matagal nang nanawagan ang grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na itapon na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang grupo nina alyas Sgt. Michelle.

Ngunit ang panawagan ng MKKB ay di pa inaaksyunan ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. at ng National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Atty. Ralph Calinisan.

Hangga’t di pinaaksyunan ni PDGen. Nartatez Jr. at Comm. Calinisan kina Batangas PD Col. Rufo, Lipa City Police Chief Lt Col. Buaquen at iba pang mga police chief sa Batangas ang nagaganap na illegal activities sa kanilang hurisdiksyon ay mananatiling bigo at inutil ang kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad sa naturang probinsya. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144