Advertisers

Advertisers

TOPAK Restaurant sa Makati ‘di naghuhulog ng SSS at Pag-IBIG?

0 6

Advertisers

Hindi lang malaman ng mga Ka Usapang Hauz kung ang pag-iisip ng may-ari ng Topak Restaurant dyan sa area ng Makati City ay may Toyo, bakit kanyo?

Ganito po iyon mga Ka Usapang Hauz ang Araw ng Kuwaresma o Mahal na Araw ay isang Linggo lang at hindi na lalampas para sa paggunita sa ginawang sakripisyo ng ating Panginoong Jesus Kristo sa ating mga kasalanan.

Sa Topak Restaurant mga Ka Usapang Hauz buong taon ang kalbaryo ng mga empleyado rito dahil sa di makataong pamamalalad ng may-ari nito tulad ng over work under paid at di lang yan, biruin nyo magbubukas si Topak ng 11:00 ng Umaga at magsaasara ng 3:00 ng Madaling Araw grabeng trabaho kahit siguro kalabaw ay magrereklamo.

Ang matindi pa nito mga Ka Usapang Hauz, ayon sa hinaing ng mga empleyado ng Topak Restaurant ay kinakaltasan sila ng SSS, PagIbig at iba pa subalit napagalaman nila na wala silang record sa nasabing ahensiya.

Kung may kaltas sa SSS at PagIbig obligado naman silang pumasok na kahit deklaradong Holiday, bawal ding mag leave ng mahigit sa 3 araw aba’y napaka walanghiya talaga nitong may ari ng Topak Restaurant na may Toyo ang pagiisip.

Isa pang hindi katanggap tanggap sa sektor ng mga Manggagawa ay ang nilabas na patakaran ng Topak Restaurant ay ang walang Payslip dahil walang Contract. Ano ba naman yan Mr. Toyo?

Hindi naman makapalag ang mga empleyado ng Topak Restaurant dahil na rin sa hirap ng buhay at mahirap mawalan ng trabaho sa panahon ngayon, kung magalit rin umano ang may-ari ay halos hindi kayang kainin ng aso ang pinagsasasabi kung baga sa isang babae ay di na dinadatnan pa ng regla.

Ang matindi pa nito mga Ka Usapang ay naging kabilang pa pala sa awardee itong Topak Restaurant ng 1 Star mula sa Michelin paano kaya nangyari eh grabe ang pangaabuso nito sa mga empleyado.

Mas makakabuti siguro mga empleyado ng Topak Restaurant ay ipagbigay alam na ang inyong dinaranas sa kamay ng may-ari nito na may Toyo ang utak sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa mismong tanggapan ni Secretary Benny Laguesma ng sa gayon ay utusan niya ang kanyang mga tauhan na magimbestiga.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring magemail sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036