Advertisers

Advertisers

9 KATAO, ARESTADO SA TALAMAK NA JUETENG OPERATION SA ANTIPOLO!

0 5

Advertisers

Halos isang dekada na ang lumipas at ngayon lang nakaaresto ang Rizal PNP Provincial Intelligence Unit at Antipolo PNP sa raid sa jueteng operation sa Marilaque highway, Brgy., Bagong Ngayon Antipolo City.

Sa ulat na nakarating kay Rizal PNP Provincial director P/Col. Eleazar Barber Jr., kinilala sa alyas ang 9 na nadakip na rebisador, kolektor at Verifier na sina Roa, ER, Erald, Jer, Marisol, Son, Datuin, Rene at alyas Francisco.

Ang pagkakasakip sa mga kabo, kubrador at kolektor ng salot na JUETENG ay bahagi ng direktiba ni Col. Barber kontra salot na sugal.

Nakumpiska sa 9 na suspek ang mga gambling paraphernalia, mga cellphone, calculator, notebook, lastillas at iba pang betting materials at P5,315.00 Taya sa illegal na jueteng.

Panawagan naman ng Non-Government (NGO’s) kay Col. Barber Jr., atasan din nito ang hepe ng Taytay, Cainta, San Mateo at Rodriguez na hulihin din ang illegal na jueteng sa kanilang lugar.

Sasampahan ang mga suspek na kasong paglabag sa Presidential Decree -1602 ar Republic Act 9287. (Edwin Moreno)